Para sa Tasmanian educator na naging cleaning franchisor na si Jyosh Polea - Vizcarra pangunahing prayoridad ang pisikal na kaligtasan ng mga naglilinis sa mga tirahan at opisina.
Key Points
- Batay sa Statista, ang commercial cleaning sector ng Australia ay sumasaklaw sa higit 44,000 na mga negosyo at nagbibigay ng trabaho sa 209,000 katao habang tumatabo ng $20 billion kada taon.
- Ayon kay Vizcarra, para makuha ang operasyon ng Jim's Cleaning Tasmania noong 2017, kinailangan niyang gumastos sa pagitan ng $100,000 hanggang $150,000 para dito.
- Bagamat umabot na sa higit 50 ang mga kumuha ng franchise sa kanya, tiwala si Vizcarra na mas mapapalago pa ang negosyo sa iba't-ibang parte ng Tasmania.
"Safety comes first. Kapag may banta sa kanilang kaligtasan at may abusadong kliyente, pwede nila i-blacklist ito para hindi na maulit. Paraan ito para ma-proteksyunan silang lahat."Tasmania-based Entrepreneur Jyosh Polea-Vizcarra
PAUNAWA: Ang mga impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa mga eksperto sa usaping negosyo, legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





