Para sa mga negosyanteng gusto makatipid ngayong may krisis sa mataas na bayarin or cost-of-living, payo ng business consultant na si Alex Apawan Sy, na tingnan muna ang ibang gastusin na pwedeng mabawasan gaya ng paglipat sa mas mababang insurance premium o paghingi ng tulong sa renta sa kanilang landlords. Aniya, huling opsyon ito dahil ang mga staff ay kalimitang binabalikan ng mga customer dahil alam nila kung paano ito makitungo sa kanila.
Key Points
- Ayon sa Australian Bureau of Statistics, tumaas ang inflation sa pagkain ng 3.3% sa loob ng labindalawang buwan hanggang June 2026, bagay na nagpapahirap sa mga nagpapatakbo ng negosyo.
- Payo ni Sy, magandang bigyan ng gift vouchers ang mga loyal customers at bigyan ng discount ang mga nagdadala ng bagong kliyente.
- Panawagan si Sy sa mga may ari ng negosyo na huwag ipawalang- bahala ang mental health para maging positibo ang pag-iisip ngayong panahon ng krisis.
Ang mga impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa mga eksperto sa usaping negosyo, legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.





