Sa episode na ito ng Pinoys in Australia, kilalanin si Jyosh Polea-Vizcarra at kung paano binago ng 'cleaning o paglilinis' ang buhay ng kanyang buong pamilya.
Key Points
- Si Jyosh Polea-Vizcarra ay nagmigrate sa Australia mula General Santos City, Philippines noong 1990's.
- Halus dalawang dekada siyang early childhood teacher sa Sydney, NSW bago naging negosyante, sa ngayon siya na ang nagmamay-ari ng Jim's Cleaning Group Tasmania at may higit 50 frachisees na sa buong estado.
- Ilang taong din siyang nanilbihan bilang presidente ng Philippines-Australia Community of Tasmania o PACT Inc. hanggang Agosto 2024.
Bawat isa sa atin ay may sariling kwento, kwento ng pagsiismulang muli, ng hamon, kabiguan at tagumpay. Kwento may halong pananalig, pag-asa at bayanihan. Ito ang mga mga natatanging kwento ng mga Pinoy sa Australya.








