Key Points
- Nagsilbi si Saguisag bilang senador at kabilang sa tinaguriang Magnificent 12 na kumontra sa pagpapanatili ng US Military Base sa bansa.
- Nakilala bilang human rights lawyer noong martial law years
- Naging unang Spokesperson ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Kinilala ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Saguisag bilang taong may dangal, dignidad at integridad, at isang tunay na statesman.
Ipinaalala ni Zubiri na isa si Saguisag sa mga lumikha ng mahahalagang batas ukol sa pagtataas ng standards sa public service gaya ng code of conduct and ethical standards for public officials and employees at ng ombudsman act of 1989.




