Highlights
- Ang hay fever ay isang pangkaraniwang kondisyon na maaaring makaapekto sa kalidad ng buhay.
- May mga paraan upang magamot ang mga sintomas.
- Nagbabala ang GP laban sa mga hay fever hacks na nakikita sa internet.
Ang hay fever na tinatawag ding allergic rhinitis ay isang pangkaraniwang kondisyon na maaaring makaapekto sa kalidad ng buhay.
Ayon sa GP na si Angelica Logarta-Scott, ang allergic rhinitis ay nahahati sa dalawang grupo. Ang isa, ang pana-panahong hay fever at ang isa ay perennial rhinitis, ibig sabihin ay all year round na allergy.
May mga iba't-ibang hay fever hacks and nauuso ngayon tulad ng paglagay ng petroleum jelly sa look ng ilong, paglagay ng baan sa baat butas ng ilong na unang nauso sa Tiktok, at ang paglagay umano ng naraming spices sa pagkain dahil ito ay nakakatulong sa sintomas ng hay fever.
Babala ni Dr Scott, kumunsulta sa doktor bago sumunod sa mga nakikitang hack dahil baka makasira ito imbes na makatulong sa kalusugan.
Aniya wala pang mga napatunayang pag-aaral ukol sa pagka-epektibo ng mga hack at kailangan pa ang masusing pag-aaral kol dito.
Healthy Pinoy is SBS Filipino's weekly segment on health. The content provided is for informational purposes only, and does not intend to substitute professional medical advice, diagnosis, or treatment.