South Australia News. Buod ng mga pinaka-huling ulat mula sa estado hatid ni Norma Hennessy
Tinantiyang mahigit 40 libong katao ang sumali sa selebrasyon ng Australia Day sa Elder Park, habang binatikos ng konesho ng Marion ang Australia Day Council sa dahilang sa 'di maka-Australyanong' pagbibigay parangal; Itataguyod ng Holdfast Bay Council ang pagbawal ng pagtayo ng mga gusaling mas mataas sa tatlong palapag sa Jetty Road; Ipinahayag ni Minister Leon Bignell ng South Australian Tourism na babayaran nito ang 200 dolyar na nagastos para sa kanyang akomodasyon sa Intercontinental Adelaide Hotel; South Australian Country Fire Service nagpadala ng sampung fire trucks at apat na command vehicles sa Tasmania upang makatulong sa pagsugpo ng mga bushfire; at may demand sa mga produktong kosmetiko at pagkaing may base na lavender.




