Ibang balita: Nadagdagan ang mga gasolinahan na nagpapataw ng ikalawang bugso ng excise tax sa kanilang mga produktong petrolyo, batay sa TRAIN Law; Tinitiyak ng Malakanyang sa mga mamamayang Pilipino na si Pangulong Duterte ay nasa maayos na kalusugan, kasunod ng isang surbey na nagpapakita ng pag-aalala para sa kalusugan ng pangulo; Philippine National Police, kinumpirma na ang kodigo nito ay nagbabawal sa mga tagapagpatupad ng batas mula sa pag-inom sa mga pampublikong lugar, at Sinulog Festival sa Cebu, nagsimula na.
Duterte nilagdaan ang HIV-AIDS Bill upang maging isang batas

HIV-AIDS Law to provide adequate support to Filipino people with Human Immuno-Deficiency Virus or HIV or a full blown AIDS Source: Getty Images
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makasaysayang HIV-AIDS Act ng Pilipinas na magbibigay ng sapat na suporta ang mga Pilipino na may Human Immuno-Deficiency Virus (HIV) o may full-blown AIDS. Sa ilalim ng batas, magkakaroon din ng kumprehensibong edukasyon at mga programa para sa mga may HIV at AIDS at ang kanilang pamilya.
Share