Para sa isang nag-aalalang ina tulad ni Marites Novis, patuloy na nagpapaalala sa kanyang bunsong anak na babae ng mga personal na kasanayan sa kalinisan na dapat niyang gawin habang nasa trabaho at pagkatapos ng bawat shift ng trabaho upang tiyakin na hindi ito mahawa sa virus habang nagtatrabaho sa ospital bilang isang nars.
"Everyday pagdating niya at pag-alis, laging akong nandiyan. Parating wag mong kakalimutan kung ano yung mga dapat mong gawin, alam kong alam mo 'yung mga pag-iingat sa sarili, pero bilang isang lola at isang ina, parating pagpapa-alala..." pagbabahagi ni Ginang Novis sa kung gaano niya paulit-ulit na pinapaalalahanan nars ng kanilang pamilya.
Sa kawalan ng katiyakan at takot na dinala ng krisis sa kalusugan sanhi ng COVID-19, ibinahagi ni Gng. Novis na hiniling pa niya sa kanyang bunso na magbitiw sa kanyang trabaho bilang isang nars para lamang maprotektahan niya ito na mahawaan. Ngunit ang kanyang anak na babae ay determinado na patuloy na maglingkod at magpatuloy sa kanyang trabaho bilang isang nars.
Habang pinapatupad ang mga batas sa social distancing at paghihigpit kaugnay ng COVID-19, ang pagsunod sa mga batas na ito kasama na ang regular na paghuhugas ng mga kamay gamit ang tubig at sabon, at pananatili sa bahay ay makakatulong upang malabanan natin ang pandemic, pagtatapos ni Gng Novis.