Education gap ng Indigenous Australians, paano hahabulin at masosolusyunan para sa kinabukasan?

Australia Explained - Indigenous Education

First Nations-led education sees stronger engagement, outcomes and pathways for young people. Credit: courtneyk/Getty Images

Edukasyon ay susi sa pagbabago. Sa kabila ng mga hamon, may pag-asa at positibong hakbang para sa mga Indigenous students at para sa mas inklusibong kinabukasan ng lahat.


Key Points
  • Sa paglipas ng mga taon, bahagyang lumiit ang agwat sa resulta ng pag-aaral ng mga Indigenous at non-Indigenous students, ngunit nananatili pa rin ito.
  • Naniniwala ang ilang eksperto na ang pagpapaigting ng mga programang pang-edukasyon na pinangungunahan ng First Nations at nakaugat sa kultura ay makatutulong upang mapabuti ang pag-aaral ng lahat ng bata.
  • Isang nagtapos ng Year 12 ang nagsabing malaking bahagi ng kanyang tagumpay ang suporta ng mga guro at ang koneksyon sa sariling kultura sa paaralan.
Bago pa dumating ang mga European, may sarili nang mayamang sistema ng edukasyon ang mga First Nations—malalim ang koneksyon sa lupa, kaalaman, at komunidad. Hanggang ngayon, marami pa rin tayong matutunan sa mga tradisyong ito.

Pero hindi pa rin pantay ang kalagayan ng mga estudyanteng Katutubo. Mas mababa ang bilang ng pumapasok sa paaralan, nakababasa at nakakasulat nang maayos, at nakakapagtapos sa unibersidad. Ito ay dahil sa matagal nang diskriminasyon, kakulangan sa edukasyong may respeto sa kultura, at hirap sa buhay.

Mahalagang kilalanin ang kasaysayan ng diskriminasyon na naranasan ng mga batang Unang Bansa kapag pinag-uusapan ang pagsasara ng agwat sa edukasyon,” ayon kay Sharon Davis, isang Bardi at Kija, at CEO ng National Aboriginal and Torres Strait Islander Education Corporation (NATSIEC).

Binanggit niya ang isang kamakailang ulat na ibinigay ng National Indigenous Youth Education Coalition.   National Indigenous Youth Education Coalition na nagsiwalat ng mga patakaran at batas na tahasang naglayong ipagkait ang edukasyon sa mga batang Aboriginal mula pa noong simula.

“It's highlighted policies like the exclusion on demand policies introduced in the early 20th century… where non-Indigenous families could demand the removal of Aboriginal kids from classrooms.” 
Sharon Davis.jpeg
Sharon Davis, CEO of NATSIEC Source: Supplied / Sharon Davis
Noong 2008, nagbigay ng pormal na paghingi ng tawad ang pamahalaan ng Australia sa mga First Nations dahil sa matagal na nilang naranasang pang-aabuso, partikular na ang sapilitang paghihiwalay ng mga bata mula sa kanilang pamilya, komunidad, at lupang tinubuan.

Kasabay ng paghingi ng tawad na ito, nangako rin ang gobyerno na isasara ang agwat sa pagitan ng mga Indigenous at non-Indigenous ng Australia sa iba’t ibang larangan ng buhay, kabilang na ang edukasyon.

Isa sa mga pangunahing layunin ng tinatawag na National Agreement on Closing the Gap ay baguhin ang paraan ng pakikipagtulungan ng pamahalaan sa mga Unang Bansa at kanilang mga komunidad upang mapawi ang hindi pagkakapantay-pantay — gaya ng pagbibigay-priyoridad sa pagtatatag at pagpapalakas ng sektor na pinamumunuan mismo ng mga komunidad.

“We know that Aboriginal community-controlled organisations are the most sustainable way to address the needs of communities,” dagdag ni Davis. 

“And where our people lead education, we see better engagement, better outcomes, and stronger pathways for our young people.” 

Ang cultural education ba ang susi para sa pagbabago at kinabukasan? 

Si Dr. Anthony McKnight ay isang Awabakal, Gameroi at Yuin, na kasalukuyang nagtatrabaho sa Woolyungah Indigenous Centre ng University of Wollongong.

Ilang taon na niyang iniaalay ang kanyang pagtuturo at pananaliksik sa kung paano maisasama ang Aboriginal pedagogy sa kurikulum, mga patakaran, at aktwal na gawain sa edukasyon.

Para kay Dr. McKnight, kailangang baguhin ang pananaw kung ano ang tunay na ibig sabihin ng closing the gap sa konteksto ng Indigenous education.

“For me, if you got a spectrum there, you've got Aboriginal education and Western education and then the Aboriginal student in between.” 

Ayon kay Dr. McKnight, ang mga programa para sa closing the gap ay madalas naka-focus sa pagtulak sa mga estudyante na sumunod sa pamantayan ng Western education.

“But it leaves a massive gap back to their own education system.” 

“For me it should be about the Aboriginal child in the middle and then the two knowledges come together to that middle ground. Our students have got to be skilled to be able to live in both knowledge systems.” 
UOW INDIGENOUS LITERACY DAY
Dr McKnight has spent years teaching and researching how to embed Aboriginal pedagogy in curriculum, policy, and practice. Source: Supplied / MichaelDavidGray
Naniniwala si Dr. McKnight na mahalagang ipakilala at gawing mas kilala ang mga paraan ng pagtuturo na pinagsasama ang Western education at kaalaman ng mga Katutubo, para matutunan ng mga bata ang tungkol sa lupang kanilang tinitirhan at kung paano ito aalagaan.

“Trying to look after not just Aboriginal children, but non-Aboriginal children in taking care of this place… It’s the entity that provides us with everything we need and we all walk the same land, drink the same water, breathe the same air.” 

Pagkakapantay-pantay ng resulta sa edukasyon, isang roadmap na patuloy na binubuo  

Ayon sa pinakabagong datos mula sa  National Agreement on Closing the Gap, ang agwat sa resulta ng edukasyon sa pagitan ng mga Indigenous at non-Indigenous students ay paliit na sa paglipas ng mga taon, ngunit nananatili pa rin.

“For example, the retention rates of Indigenous students in secondary school currently sits at 59 per cent compared to non-Indigenous students which is around 85 per cent,” sabi ni Davis.

“And when we see gaps in outcomes, that's more a reflection of how education has failed to serve Aboriginal and Torres Strait Islander students and young people, learners, not the other way around.” 
Retori Lane.png
Retori Lane (L) with her mother, Jenadel Lane. Source: Supplied / Retori Lane
Noong nakaraang taon, ipinagdiwang ng kabataang Gamilaroi na si Retori Lane ang pagtatapos niya sa HSC sa Dubbo Senior College.

Kasama siya sa pinakamalaking bilang ng mga Katutubong estudyante na nakatapos ng Year 12 sa New South Wales.

Ayon kay Lane, malaking tulong ang isang maayos at sumusuportang kapaligiran sa pag-aaral.

Kabilang sa kanyang support network ang mga guro at kawani ng paaralan, mga Katutubong guro, at mga manggagawa mula sa National Aboriginal Sports Corporation Australia (NASCA), isang organisasyon na nagpapatakbo ng mga programa sa buong NSW at Northern Territory upang tulungan ang mga Katutubong estudyante na kumonekta sa kanilang kultura at magtagumpay sa paaralan.

“I definitely had a lot of support from especially all the staff,” she says. “And also the NASCA workers. They'd come, they'd take you to lessons, they'd help you all the way through. And then the teachers were just there to help with anything.”

Si Jenadel, ina ni Retori, ay Deputy Principal sa Dubbo Senior College kung saan nagtapos ang kanyang anak, at siya rin ang kauna-unahang miyembro ng kanilang pamilya na nakapasok sa unibersidad.

Naniniwala siya na ang tiyak na suporta at isang kapaligirang may pag-unawa sa kultura ay nagbibigay kapangyarihan sa lahat ng estudyante upang makuha ang pinakamahusay sa kanilang edukasyon.

“I'm passionate about getting Aboriginal kids that complete Year 12, because that's my little bit that I can contribute to my mob, that's why I became a teacher.  

“And then hopefully that'll open up the floodgates for them for life after school.” 

Kukuning kurso ni Retori ay Bachelor of Arts major in Indigenous studies.

“Trying to get myself in a position to educate other Indigenous kids that have lost it through generations. So, hopefully help be part of the process to revive the culture, bring it back to life.”  
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.   

May mga ideya o tanong ka ba na gusto mong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.


📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino


📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand