Key Points
- Ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander sa Australia ay binubuo ng iba’t ibang kultura at mga Nations.
- Nagbibigay ang mga organisasyong pinamumunuan ng mga Katutubo at mga event ng paraan para makipag-ugnayan sa mga isyu at komunidad ng First Nations.
- Ang maingat na paglapit ay nangangahulugang pagpunta para matuto, pakikinig nang bukas ang isip, at marespeto sa pagtatanong.
- Paano ko malalaman ang tungkol Traditional Owners ng isang lugar?
- Paano ako makakakonekta sa mga Indigenous Australians?
- Saan ako makakahanap ng legit na impormasyon tungkol sa Aboriginal at Torres Strait Islander sa Australia?
- Ano ang ilang mga event at paggunita ng katutubo ang ginaganap sa Australia?
- Paano ako magiging mabuting kaalyado ng First Nations people ng Australia?
- Ano ang gagawin ko kung may masabi akong mali sa pakikipag-usap sa isang Katutubo?
Ayon kay Shannan Dodson, isang Yawuru woman at CEO ng Healing Foundation, mahalagang maunawaan ng sinumang nakatira sa Australia na napaka-iba-iba at napakayaman ng mga kultura at komunidad ng mga Katutubo o Indigenous.
“Understanding that there is not just one sort of homogenous culture. There are hundreds of different languages across the country.
“And even being able to educate yourself about that vastness, I think is really important.”

“It's important for anyone living in Australia to understand that Indigenous people have cared for this Country for tens of thousands of years,” Shannan Dodson says. Photo: The Healing Foundation.
Paano ko malalaman ang tungkol sa Traditional Owners ng isnag lugar?
Binubuo ang Aboriginal at Torres Strait Islander Australia ng maraming iba't ibang at natatanging grupo. Mahalaga na subukang makipag-ugnayan sa iyong lokal na komunidad, sabi ni Dodson. Pero paano mo malalaman kung anong Country ang tinitirhan mo?
“Understanding where you live and knowing what Country you're on.
“It's very easy these days to find out who the Traditional Owners are in your area.”
Para sa mapa ng Indigenous Australia at impormasyon tungkol sa mga tradisyonal na tagapangalaga ng iyong lugar, bisitahin ang Australian Institute of Aboriginal and Torres Strait Islander Studies website.
Paano ako makakakonekta sa mga Indigenous Australians?
Kung naghahanap ka ng paraan para suportahan ang mga isyu ng Katutubo at makipag-ugnayan sa mga tao, magsimula sa lugar kung saan ka nakatira.
“Look at how you can better form relationships with local Aboriginal organisations.
“Whether that may be volunteering, providing some type of support, or even just share information with your peers and family members.”
Sa pamamagitan ng pagtutok sa iyong estado o teritoryo, maaari kang matuto tungkol sa mga isyung Katutubo na partikular sa iyong lugar.

Some Indigenous organisations focus on issues specific to their state and territory while others work on nationwide Indigenous affairs, for example aged care. Credit: davidf/Getty Images
Saan ako makakahanap ng legit na impormasyon tungkol sa Aboriginal at Torres Strait Islander sa Australia?
Maraming mapagkakatiwalaang impormasyon na maaari mong ma-access online.
Iminumungkahi ni Shannan Dodson ang tatlong pambansang website bilang panimulang punto:
- Ang Healing Foundation, para sa impormasyon tungkol sa kasaysayan ng sapilitang paghiwalay ng mga bata, at ang patuloy na epekto nito sa lahat ng Aboriginal at Torres Strait Islander na komunidad.
- Ang Australian Institute of Aboriginal and Torres Strait Islander Studies para sa impormasyon tungkol sa lokal na lugar at mga Traditional Owners, mga resources tungkol sa wika at kultura, at mga tala ng kasaysayan.
- Reconciliation Australia – para sa impormasyon tungkol sa proseso ng pagkakasundo sa Australia.
Ano ang ilang mga event at paggunita ng Katutubo ang ginaganap sa Australia?
Ang pagdalo sa mga event na pinamumunuan ng mga Katutubo ay maaari ring magbigay ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa mga kultura at komunidad ng First Nations.
“There's a lot of opportunities to engage pretty much in every state and territory.”
Halimbawa, ang pambansang selebrasyon ng National NAIDOC Week tuwing unang linggo ng Hulyo bawat taon.
NAIDOC Week was born out of celebrating Aboriginal and Torres Strait Islander cultures in a positive, open and sharing way, not only for those communities, but also for the broader Australian community to be able to celebrate.Shannan Dodson, CEO of the Healing Foundation
Ang National Reconciliation Week ay ginaganap mula 27 Mayo hanggang 3 Hunyo, bilang pag-alala sa 1967 referendum at sa anibersaryo ng High Court Mabo decision.
Ang taunang anibersaryo ng Apology to Australia’s Indigenous Peoples tuwing 13 Pebrero ay sinusundan ng National Sorry Day, na ginugunita bawat taon tuwing 26 Mayo.
Pareho itong pagkilala sa ‘Stolen Generations’ – mga batang Aboriginal at Torres Strait Islander na sapilitang inalis sa kanilang mga pamilya mula kalagitnaan ng 1800s hanggang 1980s.
“It is an opportunity to come together as a country to pay respects to the people who suffered at the hands of those policies.
“And also, to understand the ongoing trauma that many communities are still facing.”

It’s easy to make mistakes if you come across a myth or stereotype around Aboriginal and Torres Strait Islander people and culture. Credit: WANDER WOMEN COLLECTIVE/Getty Images
Paano ako magiging mabuting kaalyado ng First Nations people ng Australia?
Habang naghahanap ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa Indigenous Australia, mahalagang maging maingat sa iyong paraan ng paglapit.
“Being a respectful ally or someone who is wanting to learn more, means listening with an open mind, walking beside not leading, and thinking about how you're amplifying those Indigenous voices in a way that they choose and are in control of.”
Ibinahagi ni Dodson ang isang payo kung paano magsimula.
“Show up with an open heart and open mind.
"Our communities are very welcoming, and we are wanting to share about who we are, our histories, our culture."
If you can show up, that's the first step to building those better relationships.Shannan Dodson, CEO of the Healing Foundation

Group shot from the February 2025 anniversary of the National Apology to the Stolen Generations. It includes survivors, descendants, THF staff, Minister for Indigenous Australians Malarndirri McCarthy and other community members. Photo: The Healing Foundation
Ano ang gagawin ko kung may masabi akong mali sa pagkikipag-usap sa isang Katutubo?
Ang pag-aaral tungkol sa pinakamatagal na patuloy na umiiral na mga kultura sa mundo at pag-unawa sa lahat ng detalye sa kasaysayan ng kolonisasyon ay nangangailangan ng oras at pagsisikap.
Naiintindihan na minsan ay natatakot ang mga hindi Katutubo na “magkamali o makasabi ng mali,” sabi ni Dodson.
“But I don't think that that fear should stop people from engaging.
"Because the whole point is to be open, to be asking questions. And most people would know how to do that in a respectful way.”
Mag-subscribe o i- follow ang Australia Explained podcast para sa karagdagang mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba o ideya na gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.








