Higit pa sa estilo: Ang kuwento ng lumalakas na First Nations fashion sa Australia

AUSTRALIA EXPLAINED - INDIGENOUS FASHION

Back in Blak Runway 2025 Source: AFP / WILLIAM WEST

Kilala ang Australia sa relaxed at laid-back fashion na estilo, ngunit ang First Nations fashion ay nagdadala ng libo-libong taon ng kultura, koneksyon, at pagkamalikhain. Tuklasin kung ano ang nagpapatingkad dito at ang mahahalagang bagay na dapat malaman bago ito isuot.


Key Points
  • Ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander people ay gumagawa na ng damit at mga aksesorya sa loob ng libo-libong taon, umaayon sa klima at ipinapakita ang kanilang kultura, komunidad, at mga kuwento.
  • Ngayon, ang mga First Nations designer ay proud na nakikilala hindi lang sa Australia kundi pati sa buong mundo.
  • Madalas, ang mga disenyo ng First Nations fashion ay may kasamang artworks mula sa mga First Nations artist na malinaw na kinikilala at binabayaran nang tama.
  • Gamit ang kanilang tradisyunal na kaalaman, nangunguna rin ang mga First Nations designer sa pagsusulong ng mas sustainable at responsableng fashion.

    Bago ang kolonisasyon, ang mga First Nations na komunidad sa buong Australia ay nakabuo ng mga kasuotang angkop sa kanilang klima, kapaligiran, at paraan ng pamumuhay. Ang pananamit noon ay hindi lamang praktikal ipinapakita rin nito kung sino sila, saan sila nagmula, at kung paano sila kabilang sa kanilang komunidad.

    Hanggang ngayon, ganito pa rin ang pananaw ng maraming First Nations designer sa fashion bilang isang paraan upang dalhin ang kuwento, kultura, at pag-aaruga sa Country sa pang-araw-araw na buhay.

    AUSTRALIA EXPLAINED—FIRST NATIONS FASHION
    You can see Aboriginal and Torres Strait Islander fashion at national events like Australian Fashion Week. Credit: Rob Hookey/Getty Images

    Sa nakalipas na dekada, nagsimula itong magbago. Ang mga First Nations designer ay ngayon ay buong pagmamalaking kinakatawan sa iba’t ibang panig ng mundo.

    Makikita ang Aboriginal at Torres Strait Islander fashion sa mga pambansang kaganapan tulad ng Australian Fashion Week, sa taunang First Nations runway na Country to Couture , at na-feature cover ito sa sikat na magasin gaya ng Vogue. Ang mga inisyatiba tulad ng First Nations Fashion + Design at ng National Indigenous Fashion Awards ay nakatulong upang makalikha ng mas nakikita at malalayang plataporma para sa mga First Nations creatives.

    Australia Explained - Indigenous Fashion
    Caption: Artist and designer Grace Lillian Lee employs traditional Torres Strait Island weaving techniques to create her sculptural pieces, as showcased at Paris Fashion Week 2025. Credit: Foc Kan/WireImage/Getty Images

    Ang Dunghutti at Anaiwan na creative at tagapagtatag ng online community na Aus Indigenous Fashion,  na si Yatu Widders Hunt, ay nagbabalik-tanaw sa kung gaano kalimitado ang representasyon noong siya ay lumalaki sa Sydney.

    I was also looking for ways to connect to my own identity and also to contemporary expressions of First Nations identity, and I found fashion was a really great way to do that.
    Yatu Widders Hunt

     Ayon kay Nathan McGuire, isang Whadjuk Noongar na modelo at founder ng Mob in Fashion, madalas siyang nag-iisang Aboriginal na tao sa set noong nagsisimula pa lang siya sa pagmomodelo.

    Ngayon, mas marami na raw siyang nakikitang First Nations talent sa industriya.

    “That's about our people being seen and our beauty being appreciated in the country. And you know, it's actually meant to happen."

    Nathan McGuire.jpg
    Whadjuk Noongar model and Mob in Fashion founder Nathan McGuire. Credit: Nathan McGuire

    Ayon kay Liandra Gaykamangu, isang Yolŋu creative director at tagapagtatag ng resort wear label na Liandra, ang kanyang brand ay itinatag upang maibahagi ang kultura sa isang bukas at maanyayang paraan.

    We have always championed colour, culture and joy... really using fashion as an open invitation for other people beyond our community to be able to engage and celebrate the diversity of Australia's identity and cultural nuances through the brand.
    Liandra Gaykamangu

    Naniniwala si Yatu na mahalaga ang kaalaman ng First Nations para sa mga industriya na nagsusumikap tugunan ang pagbabago ng klima at pinsalang dulot sa kapaligiran.

     “First Nations designers are leading the way in creating for-profit businesses in ways that are mindful of Countries."

    Para sa mga mamimili, ibig sabihin nito ay pagpili ng mga damit na sumusuporta sa kultura habang isinusulong din ang mas maingat at pangmatagalang paraan ng paggawa.

    Yatu Widders Hunt.jpg
    Yatu Widders Hunt, founder of online community Aus Indigenous Fashion. Credit: Yatu Widders Hunt

    Ginagamit ni Liandra ang kanyang brand para pag-ugnayin ang mga komunidad sa malalayong at rehiyonal na lugar sa mga oportunidad sa industriya. Sa pamamagitan ng mga proyekto at pakikipagtulungan, natulungan ng kanyang label ang mga bagong creatives na magkaroon ng karanasan at makapagsimula ng sarili nilang karera:

     “We've had models signed to top Australian agencies, walk international runways, go on to book incredible campaigns beyond and create their own economic independence.”

    Sa pambansang antas, binibigyang-diin ni Yatu na ang mga negosyo ng First Nations ay isa nang mahalagang bahagi ng ekonomiya na nararapat suportahan.

    “We have a really thriving and growing First Nations business sector, we have designers and artists working all across the country, including in remote areas, so you're also supporting First Nations business by buying First Nations fashion.”

    Maaari ko bang suotin ang Aboriginal brands? 

    Maaaring mahirap malaman kung paano makikibahagi sa First Nations fashion nang may paggalang. Narito ang ilang simpleng tips:

    Maraming First Nations brand ang malinaw na nagsasaad kung ang kanilang mga disenyo ay “ally friendly,” ibig sabihin, puwedeng isuot ng kahit sino.

    May ilang items naman—karaniwan para sa seremonya o espesyal na tungkuling pangkultura—na para lamang sa Aboriginal at Torres Strait Islander na mga tao. Madalas itong malinaw na nakalagay sa online store o sa label ng produkto.

    Marami ring brand ang nagbabahagi ng impormasyon online o sa tag tungkol sa artist, sa komunidad, at sa kuwento sa likod ng disenyo.

    “I'd say the majority of First Nations designers create work that is accessible to everyone, so not just Indigenous people. And I think it's exciting because First Nations storytelling is actually central to Australian identity and I think our culture is extremely generous and warm, and we love and want people to feel proud of that.”

    David Jones Indigenous Fashion Projects
    David Jones Indigenous Fashion Projects show during Australian Fashion Week Source: Getty / Jason McCawley for AFW

    Nakikita ni Nathan ang fashion bilang isang modernong at masayang paraan para sa mga bagong migrant na makakonekta sa mga komunidad ng First Nations. Ang pagbili mula sa isang First Nations label, pagpunta sa runway show, o pagsunod sa mga designer sa social media ay ilan sa mga paraan para makapagsimula.

    “As an extension of what is to be a part of Australian culture, this is a really good way to engage with our community.”

    Maaaring maging paraan ang First Nations fashion upang mabuo ang paggalang at koneksyon kahit sa isang simpleng bagay tulad ng mga damit na isinusuot natin.

    Mag-subscribe o i- follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.

    May mga tanong ka ba o paksang nais pag-usapan? Mag-email sa  australiaexplained@sbs.com.au

    📢 Where to Catch SBS Filipino

    🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

    📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

    📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


    Share

    Follow SBS Filipino

    Download our apps

    Listen to our podcasts

    Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

    Watch on SBS

    SBS News in Filipino

    Watch it onDemand

    Watch now