Key Points
- Ang datos mula sa lahat ng IVF clinics sa Australia ay makikita sa isang website na pinopondohan ng gobyerno.
- Ayon sa mga eksperto, mahalagang suriin ang iba't ibang aspeto kapag magpapasya sa pagpili ng fertility clinic.
- Siguraduhing alamin kung kwalipikado ka sa mga fertility services na sinusuportahan ng gobyerno.
- Ang fertility counselling ay nakakatulong upang maintindihan at mapaghandaan ang anumang posibleng resulta ng iyong o ng treatment ng iyong partner sa fertility.
Simula noong unang matagumpay na IVF sa mundo noong 1978, tinatayang nasa between 10 and 13 million babies 10 hanggang 13 milyong sanggol na ang ipinanganak sa pamamagitan ng In Vitro Fertilisation sa buong mundo.
Kabilang ang Australia sa mga bansa na may pinakamataas na bilang ng IVF cycles kada tao.
Ayon sa pinakabagong istatistika, isa sa bawat one in 16 babies born in Australia 16 na sanggol na ipinanganak sa Australia noong 2022 ay nabuong sa pamamagitan ng IVF.
Ang bilang na ito ay batay sa datos na nakolekta ng Australian and New Zealand Assisted Reproduction Database (ANZARD).
Pinamumunuan ni Professor Georgina Chambers ang research unit sa University of New South Wales na nagpapatakbo ng pambansang IVF registry na ito.
“We get 100 per cent of IVF cycles reported to us by clinics,” Prof Chambers says, “because otherwise they would not be in accordance with their code of practise and their licencing agreement.”

Ang datos ng ANZARD ay malayang makikita sa yourivfsuccess.com.au, isang website na pinapatakbo nang independiente sa anumang klinika at pinopondohan ng pamahalaan ng Australia.
Bukod sa mga pambansang istatistika at impormasyon tungkol sa IVF, maaaring gumamit ang mga bisita ng website ng mga personalized na online tools.
Isa sa mga tool na ito ay isang estimator para sa mga babae na sumasailalim sa IVF treatment upang tantiyahin ang kanilang tsansa ng tagumpay.
“It allows people to enter information about themselves, such as their age, their partner's age, their diagnosis if they've got one, any previous history of IVF treatment that they've had."


Paunawa: Ang impormasyong ito ay pangkaraniwan lamang. Makipag-ugnayan sa iyong health practitioner para sa malinaw at tiyak na payo tungkol sa iyong kalagayan.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba o ideya na gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.







