Key Points
- Umuwi lamang kapag sinabi ng mga awtoridad na ligtas na, at mag-ingat tulad ng pagsuri kung may natitirang nagbabagang abo.
- May mga recovery centre, tulong-pinansyal, at serbisyong pangkalusugang pangkaisipan na handang tumulong sa praktikal at emosyonal na epekto ng bushfire.
- Ang pagbangon mula sa bushfire ay nangangailangan ng panahon, kaya mahalagang umasa sa suporta ng komunidad at alagaan ang sariling kalusugan at kapakanan.
Pagkatapos ng bushfire, maaaring nakaka-stress ang pagbabalik sa normal. May gabay at suporta para sa kaligtasan, bahay, at kalusugan. Bumalik sa bahay lang kapag sinabi ng SES na ligtas.
Ingatan ang sarili mula sa delikadong istruktura, nakabagsak na kable, at natitirang apoy.

May mga emergency shelters at relief centres na handang magbigay ng kaligtasan, pagkain, tubig, charging stations, at trauma counselling.
State services gaya ng Emergency Recovery Victoria, Service NSW o Queensland Recovery Hotline ay makakatulong sa susunod na hakbang. Maaaring may government financial assistance depende sa iyong pangangailangan.
Kung may insurance ka, siguraduhing idokumento ang lahat bago ka mag-alis o maglinis ng bahay. Kunan ng larawan at video at itala ang mga nawalang gamit. Ang ilang insurance companies ay nagbibigay ng mabilis na bayad para sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng pansamantalang tirahan.

May available na tulong sa pamamagitan ng mga recovery centre, sa inyong GP, at sa 24/7 na helplines tulad ng Lifeline o Beyond Blue.

Ang pagbangon mula sa bushfire ay mahabang proseso, ngunit mayroong available na suporta para sa inyong kaligtasan, tahanan, at kalusugan.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba o paksa na gustong pag-usapang? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.







