Ang pagkilala ng inyong anak sa kultura ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander Peoples ay isang magandang regalo habang lumalaki sila sa Australia. Pero kung bagong dating kayo, saan nga ba magsisimula? Narito ang ilang simpleng ideya at resources para sama-sama ninyong matuklasan ang kanilang kultura, kasaysayan, at mga kwento.
Key Points
- Ang pag-aaral tungkol sa First Nations ng Australia ay isang proseso para sa parehong anak at magulang.
- Maraming online resources na angkop sa edad ng inyong anak para matulungan silang mas makilala at maunawaan ang Indigenous Australia.
- Ang pagdalo sa mga event, responsableng paglalakbay, at sariling pagsasaliksik ay mga paraan para makilala at mapalapit sa First Nations Peoples sa inyong lugar at sa iba pang komunidad.
- Normal lang ang magkamali habang natututo, kaya manatiling mausisa at huwag mahiyang magtanong tungkol sa mga kaugalian at protocol ng Aboriginal at Torres Strait Islander Peoples.
Mahalagang maunawaan at pahalagahan ang kultura, kasaysayan, at mga karanasan ngayon ng Aboriginal at Torres Strait Islander Peoples bilang bahagi ng pagkakasundo at mas matibay na ugnayan sa Australia.
Kaya naman, ang pagtulong sa inyong anak na makilala at pahalagahan ang pinakamatandang patuloy na nabubuhay na kultura sa mundo ay isa sa pinakamagandang regalong maibibigay ninyo habang lumalaki sila sa Australia.
Si Esma Livermore ay isang Bigambul woman na nagtatrabaho sa Reconciliation Australia, ang pangunahing organisasyon ng bansa para sa reconciliation.
Iminumungkahi niya na sama-samang maghanap ang buong pamilya ng mga pagkakataong matuto.
Magsimula sa mga gawaing makabuluhan, masaya, at madaling gawin, gaya ng panonood ng isang TV show na makatutulong sa mga bata na matuto.
“NITV have a range of programmes that share Aboriginal and Torres Strait Islander stories, cultures, histories and contemporary experiences."
Maari ding matututo ng free sa pamamagitan ng free live stream sa SBS On Demand, may mga animated series para sa mga bata, documentaries at pelikula, nariyan din ang SBS Learn.
“You want something that’s going to be friendly for younger children, looking at a range of age-appropriate content that celebrates Aboriginal and Torres Strait Islander cultures and the diversity of Aboriginal and Torres Strait Islander peoples.
“That's just that gentle first step into learning about ‘who are the First Peoples of this country?"

Bukod sa TV, maghanap ng family-friendly na Aboriginal at Torres Strait Islander events sa inyong lugar. Tingnan ang local council at Local Aboriginal Land Council para sa mga aktibidad.
Abangan din ang NAIDOC Week tuwing unang linggo ng Hulyo at National Reconciliation Week, mula 27 Mayo hanggang 3 ng Hunyo.


Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba o paksang gustong pag-usapang mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





