First-time parents sa Australia? Narito ang mga dapat ninyong malaman tungkol sa inyong mga opsyon sa panganganak at pregnancy care.
Key Points
- Maaari mong piliing manganak sa ospital, birthing centre o sa bahay, depende sa iyong pangangailangang pangkalusugan at kung saan ka nakatira.
- Ang continuity of care, o tuloy-tuloy na pangangalaga mula sa iisang healthcare provider o team, ay nauugnay sa mas positibong karanasan sa panganganak at mas magandang resulta sa kalusugan para sa ina at sanggol.
- Maaaring magbigay ng impormasyon at payo ang iyong healthcare provider sa panahon ng pagbubuntis na naaayon sa iyong medical history at mga personal na kagustuhan.
Ang mga maternity service provider sa Australia ay nakatuon sa woman-centred care, kung saan binibigyang-daan ang mga buntis na makapagpasya nang may sapat na kaalaman tungkol sa kanilang pangangalaga at panganganak.
May iba’t ibang opsyon para sa pangangalaga sa pagbubuntis at birth care . Ang pagpili ay depende sa iyong pangangailangang medikal, personal na kagustuhan, at mga serbisyong available sa lugar kung saan ka nakatira.
Ang mga karaniwang maternity care model ay pangangalaga sa pampublikong ospital, shared care, midwifery group practice, at pangangalaga mula sa pribadong obstetrician.
Para malaman ang iba pang detalye tungkol sa mga modelo ng pangangalaga, maaari mong bisitahin ang website ng Australian Government na Pregnancy, Birth and Baby o kumonsulta sa iyong GP.
“Your GP can explain the maternity models of care available in your area, including things like public care, private care and midwifery programs,” saad ni Rachel Worboys, Clinical Lead of Pregnancy, Birth and Baby.

Para sa mga kwalipikadong public patient, sinasagot ng Medicare o Medicare covers ang gastos sa panganganak sa pampublikong ospital, pati na rin ang karamihan sa mga regular na gastusin sa panahon ng pagbubuntis.
“Things like your antenatal visits with your midwife or doctor, group antenatal education sessions, access to allied health, such as dietitians, social workers, mental health support if you need it."
“But there may be some instances where there are out-of-pocket additional costs.”
Magtanong sa iyong maternity care provider tungkol sa anumang gastusing hindi sakop ng Medicare o ng iyong pribadong health insurance.
Midwives are not the only person that you can see in pregnancy, but most people, no matter what model of care you choose, will see a midwife at some point.Rachel Worboys

Freebirths have no registered health provider present at the birth.Prof Hannah Dahlen

In Australia, one in five mums and one in 10 dads report experiencing PNDA at some point along their journey.Mathew Aquilina
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong o paksa ka bang nais pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





