Kapag may interaction ka sa mga pulis, mahalagang alam mo ang iyong mga karapatan at obligasyon. Narito ang mga dapat mong malaman.
Key Points
- Maaaring magkaiba ang kapangyarihan ng mga pulis depende sa estado o teritoryo sa Australia.
- Labag sa batas ang hindi pagsunod sa utos na sumailalim sa breath test.
- Maaaring obligado kang ibigay ang iyong pagkakakilanlan o ID ayon sa batas, ngunit maaari mong piliing huwag sagutin ang iba pang mga tanong.
- Kung may alalahanin ka sa naging pakikitungo o pakikipag-ugnayan ng pulis sa iyo, humingi ng legal na payo.
Alam mo ba ang iyong mga pangunahing karapatan kapag pinahinto ka ng pulis sa Australia?
Ayon kay Samantha Lee, Assistant Principal Solicitor ng Redfern Legal Centre, maraming tao, maging mga ipinanganak sa Australia o mga bagong dating sa bansa, ang hindi alam ang hangganan ng kapangyarihan ng mga pulis.
Kailan maaaring gumamit ng puwersa ang pulis laban sa akin?
Isa sa mga karaniwang maling akala tungkol sa kapangyarihan ng pulis ay may kinalaman sa paggamit nila ng puwersa.
“It's important for people to know that just because they're police officers, they don't have a right to use force."
They can use force in certain situations, but only if it's reasonably necessary in the circumstances.Samantha Lee

You need to comply with a breath test. If you don’t, you can be charged with an offence.Marlene Dixon

Ang impormasyong ito ay pangkalahatang gabay lamang. Maaaring magkaiba ang mga batas sa bawat estado at teritoryo, kaya kung kailangan mo ng payong naaangkop sa iyong sitwasyon, humingi ng legal na payo.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa bagong pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba, ideya o paksang gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube





