Key Points
- Bawat estado ay may sariling pampublikong transport network, kaya iba-iba ang mga patakaran at presyo.
- May mga pre-paid smartcard sa lahat ng malalaking lungsod, at puwede ring gumamit ng contactless bank card sa pagbabayad.
- Sinisiguro ng mga tauhan at ng mga CCTV camera sa lahat ng transport network ang pagsunod sa ticket rules at kaligtasan ng pasahero.
May pampublikong transport ba sa lahat ng bahagi ng Australia?
May pampublikong transport ba sa lahat ng bahagi ng Australia?
Karamihan sa mga Australyano, kapag pupunta sa trabaho, ay mas pinipiling magdala ng sariling sasakyan.
Ayon sa Australian Bureau of Statistics (ABS) ginagawa na ang ganitong survey simula pa noong 1976.
Sabi ni Professor John Nelson ng University of Sydney, mahirap abutin ng pampublikong transport ang mga rural na lugar dahil sa laki ng distansya at kalawakan ng mga lungsod.
“Because even as you travel out of Sydney, you see that the properties become very spread out.”
Pero sa mga mataong lungsod at metro, pampublikong transport ang mas mabilis, mas mura, at minsan ay kailangang-kailangan para sa maraming tao.

Mga pre-paid card na gamit sa bawat estado at teritoryo sa Australia:
- Opal card for Sydney
- Myki for Melbourne
- go card for Brisbane
- SmartRider for Perth
- metroCARD for Adelaide
- GreenCard for Hobart
- Tap and Ride Card for Darwin
- MyWay for Canberra


Mga karaniwang paglabag sa pampublikong transportasyon?
Sa pampublikong transportasyon, may mga paglabag gaya ng di tamang gamit ng ticket o hindi magandang asal, at puwede kang pagmultahin o kasuhan kapag nahuli.
Ilan sa mga karaniwang halimbawa sa buong Australia ay:
- Sumasakay/bumabiyahe ng walang ticket
- Walang patunay ng iyong concession entitlement (student o senior card)
- Paninigarilyo o pag-inom ng alak
- Pagpapatong ng paa sa upuan
Mga karaniwang patakaran at inaasahan kapag sumakay ng public transport sa Australia:
- Hindi pag-abala sa driver
- Pag-aalok ng upuan sa nangangailangan
- Hayaan munang bumaba ang mga pasahero bago sumakay
- Panatilihing hindi nakalagay sa upuan ang mga bag
- Iwasan ang pagkain ng mabahong pagkain o strong-smelling food
Kailangan bang manahimik sa pampublikong transport sa Australia?
Inaashan sa mga pasahero sa buong Australia na hinaan ang boses sa pag-uusap at musika habang nasa biyahe.
Ayon kay Charlotte Hayes, communications director ng Public Transport Authority ng Western Australia, kapag pinaghahati-hatian ang espasyo, maririnig din ng ibang pasahero ang ingay sa lugar.
“It's those bits of etiquette that make sure the public transport system works for everybody.”
At lagi ring tingnan kung nasa ‘quiet zone’ ka, sabi ni Prof. Professor John Nelson mula sa University of Sydney.
“Ibig sabihin nito, wag magsalita nang malakas at wag tumanggap ng tawag sa telepono habang nandiyan.”
“Quiet coaches tend to be pretty well respected, and people shouldn't be surprised if a complete stranger turns around and says ‘can you stop talking? You're in a quiet coach.’”
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa karagdagang mahahalagang impormasyon at tips para pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong o ideya ka bang nais pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.









