Key Points
- Kabilang sa mga usaping tatalakayin ni Pangulong Marcos sa summit ay ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa matapos ang pandemya, digitisation, climate change, at ang isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea
- Bumaba ang unemployment rate sa Pilipinas sa five percent sa ikatlong yugto ng taon
- Lumalabas umano sa pagsusuri ng National Economic and Development Authority O NEDA na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng seven point six percent nitong third quarter ng taon.
Binabantayan pa rin ang inflation rate sa bansa na tumataas pa rin.
Nagbabala ang isang ekonomista na mataas pa rin ang inflation rate o ang lebel ng presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo, sa susunod na taon.