Eksperto may babala tungkol sa vulval itch o pangangati sa puwerta ng babae

Female reproductive organ by Sora Shimazaki.jpg

Ang vulval itch o pangangati sa puwerta ng babae ay maaaring magamot, kailangan lang suriin ng doktor para makita ang sanhi ng sintomas, at hindi ito vulvar cancer o sexually transmitted infection para sa agarang panggagamot. Credit: Pexels/Sora Shimazaki

Ayon kay Dr Maria Concepcion -Sison ang vulval itch o pangangati sa puwerta ng babae ay nagagamot subalit kailangan masuri ng doktor para makita ang sanhi nito at maiwasang lumubha. Dapat din makita na hindi ito sintomas ng sexually transmitted infection o vulvar cancer.


Key Points
  • Ayon kay Dr Maria Concepcion-Sison isang GP sa Gold Coast, Queensland karaniwang sanhi ng pangangati ay eczema, psoriasis, dermatitis, mga impeksyon tulad ng vaginal thrush at marami pang iba tulad ng vulvar cancer.
  • Ang karaniwang pangangati ay dapat masuri ng GP at magagamot sa pamamagitan ng antifungal, antibacterial o steroidal.
  • Ang balat na nangangati ay isinasailalim sa swab test at biopsy para makita ang sanhi ng pangangati, ang mga undiagnosed diabetic, buntis, gumagamit ng contraceptive pills ay maaaring makakaranas nito.
Ang vulval itch ay ang tinatawag na pamamaga ng iyong vulva o genitals.

Kasama sa iyong vulva ang malambot na parang nakatupi na balat sa ari ng babae at clitoris.

Karaniwang sanhi ng pangangati ay ang allergic reaction, na-irritate ang balat ng ari, eczema, dermatitis, psoriasis at impeksyon isa na dito ang tinatawag na vaginal thrush.

Kabilang sa sintomas nito ang pangangati ng vulva, pamamaga, pamumula, burning sensation sa vulval area, maliliit na bitak sa vulva, blisters o sugat, nag-iiba ang kulay at kumakapal ang balat sa vulva at parang nangangaliskis, may ibang kaso din na may vaginal discharges.

Dr. Maria Arzineth Concepcion-Sison.jpg
Dr Maria Arzenith Concepcion-Sison
Ayon kay Dr Maria Concepcion-Sison isang GP mula Gold Coast Queensland, kung may nararamdamang katulad na mga sintomas agad magpatingin sa doktor para masuri kung anong sanhi ng pangangati.

“May mga changes sa skin ng puwerta, mamumula o kaya may mga puti-puti na paminsan nagiging sanhi ng cycle na lichen simplex chronicus yong parang makati kakamutin, makati kakamutin. Kung vaginal thrush o vaginal candidiasis lang kumakati dahil sa organism, lkaya kadalasan kailangan ng anti-fungal.”

“Dapat i-swab natin para ma-rule out yong cause ng bacterial vaginosis, sexually transmitted infection. Kung hindi nawawala o pabalik-balik ang sintomas, kailangang imbestigahan further pwede related systemic condition halimbawa ang mga diabetic patients kung undiagnosed pwedeng ang common infection ay Vaginal Candidiasis pwede din mangyari during pregnancy kasi mataas ang hormones o kaya mga babae na nag-take ng contraceptive pills.

Apart from treatment kon sakaling candidiasis pero may mga changes sa vulval area mag-biosy na kung may dermatitis, at kung anong type, pwedeng lichen simplex chronicus, eczema na ang treatment ay steroidal pero mayroon ding vulvar cancer.”

Paano maiiwasan ang karaniwang pangangati sa puwerta ng babae:
  • Gumamit ng mild unscented na mga sabon.
  • Iwasan ang sobrang paggamit ng pads, pantyliners, tampons at mabangong feminine wash.
  • Magsuot ng malinis at tuyong damit pagkatapos magswimming o mag-ehersisyo.
  • Magsuot ng cotton, maluwag at maginhawang underwear.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Eksperto may babala tungkol sa vulval itch o pangangati sa puwerta ng babae | SBS Filipino