Pakinggan ang audio
Sa araw ng eleksyon ang mga botante ay binibigyan ng dalawang balota isa ay berde para sa pagboto sa Kongreso at ang isa ay putting balota para sa Senado.
Ayon kay Evan Ekin-Smyth mula sa Australian Electoral Commission para makaboto sa Kongreso ilagay ang number 1 sa balota sa unang napiling kandidato pagkatapos ay ilagay ang number 2 sa kahon sa kasunod hanggang sa pinakahuling napiling kandidato.
Highlights
- Dalawang balota ang ibinibigay ang berde para sa Kongreso at puti para sa Senado
- Kapag higit 18 ang edad, pwedeng bumoto sa araw ng eleksyon sa polling stations o sa koreo.
- Unang binibilang ay ang boto para sa unang napiling kandidato pero kapag kulang sa 50 porsyento ang boto, ang may pinakamaliit na boto na kandidato ay tatanggalin na at hindi na ito kasama sa pagpipiliang kandidato
Pagboto para sa kongreso
Unang binibilang ay ang boto para sa unang napiling kandidato pero kapag kulang sa 50 porsyento ang boto, ang may pinakamaliit na boto na kandidato ay tatanggalin na at hindi na ito kasama sa pagpipiliang kandidato.
Pagkatapos ay balikan ulit ang balota para sa pangalawang napiling kandidato.
Ang boto para sa natanggal na kandidato ay ikakalat naman sa mga natitirang kandidato. Magsisimula ang pagboto sa ikalawang napupusuan ng botante mula sa orihinal na balota.
Ang prosesong ito ay kailangang ulitin hanggang may isang kandidato na magkakaroon ng higit 50 porsyento na boto.
"Kung may walong kandidato sa kongreso, dapat lagyan ng numero ang mga kahon mula 1 hanggang 8. Kung ang unang kandidato na iyong pinili ay natanggal, so kailangan isunod ang pangalawang kandidato.
At kapag natanggal ulit isunod ang pangatlo hanggang matapos ang walo. Importante ang numero sa kahon dahil dito nalalaman kung sino ang maisasamang pagpilian na kandidato o natatanggal.
Sabi ni Mr Ekin-Smyth dito nakikita ang kahalagahan sa paglalagay ng numero o bilang sa bawat kahon sa berdeng balota.
" Ang Preferential voting ay nangangahulugan na ang boto ay may patutunguhan. Dapat lagyan ang numero ang bawat kahon ng napiling kadidato dahiil binibilang ito."
Ayon naman kay Dr Peter Chen mula Univerity of Sydney ang preferential voting ay nagbibigay-daan para sa isang mas malaking bilang ng iba’t ibang uri ng kandidato.
" Sa Australia ang numbering preference na sistema ay nangangahulugan na ang hindi popular na kandidato ay matatangal sa hanay ng kandidato at ang boto nito ay inililipat sa ibang kandidato hanggang makakuha ng 50 porsyento na boto.
Layunin ng sitema na makakuha ng ibat-ibang uri ng kandidato, partido at magkakaroon din ng tsansa na may representasyon sa Kongreso at Senado pati mga independent na kandidato."
Pagboto para sa Senado
Para sa pagboto sa Senado, may dalawang pagpipilian ang botante.
Maaaring ilagay ang number 1 sa kahon para sa kanilang napiling partido o kandidato sa ibabaw ng linya o kaya lagyan ng bilang sa ilalim ng linya para sa isang kandidto.
Kapag bumoto sa ilalim ng linya, kailangan punan ng bilang ang labing dalawang kahon.
Ang pagbibilang ng boto sa Senado ay iba sa pagbibilang sa Kongreso.
Dahil ginagamitan ng Proportional Representation na sistema ang pagbibilang ng boto sa Senado, na dinisenyo para masiguro ang paghalal ng ilang kandidato sa bawat estado, habang mananatili ang elemento ng preferential voting.
Masasabing matagumpay ang isang kandidato kapag makakuha ito ng higit pa sa proporsyon na kabuuang mga boto na tinatawag na kota.
Ang mga labis na boto ng mga kandidatong naka-kota ay muling ikakalat base sa napupusuang kandidato ng mga botante.
Kapag ang lahat ng posisyon sa senado ay napunan na, ang mga naiwang kandidato ay eliminated na.
Ang proporsyonal representation ay nagbibigay ng daan para ang mga maliliit na partido at independent na kandidato ay makakuha ng representasyon sa Senado.
BASAHIN/PAKINGGAN DIN