Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Nagsimula na ang mga Pangako ng Halalan sa Queensland

site_197_Filipino_475049.JPG

Queensland News. Buod ng mga pinaka-huling ulat buhat sa rehiyon hatid ni Erwin Cabucos. Larawan: Parlamento ng Queensland (AAP)


Lumikop ang malaking pangangamba sa mga taga-pagtanggol ni Baby Asha sa Cilento Hospital matapos ibinunyag ng ina ng bata na kinausap na siya ng mga opisyal ng imigrasyon na ilalabas na raw sila sa pagamutan at wala pa raw tiyak na kasagutan kung saan sila dadalhin; Hindi lang pasikatan kundi paangatan pa ng mga pangako ang lumalabas ngayon sa paparating na local government elections dito sa Queensland ng lord mayoral candidate ng labour na si Rod Harding ay nagbabalak na magpapatayo ng tram na siyang mag-uugnay ng University of Queensland patungong Newstead - isang siyam na kilometrong proyektong mangangailangan $1.2billion dollars na budget. Isang taksi driver sa Gold Coast ang napagtripang gulpihin ng kanyang mga pasahero na isang lalaki at dalawang babae; Ibababa na daw niya ang mga pasahero at nang magsingil ng bayad ay doon daw naging agresibo at nanakit na umano ang pasaherong lalaki at sinakal nito ang taksi driver; Nagtataasan ang mga alon sa Gold Coast samantalang abalang abala naman ang mga Surf-life savers sa pagligtas ng mga nalulunod sa tindi ng condition sa tubig.

 

 


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now