Abala sa paghahanda para sa kanyang papalapit na album ang Filo-Aussie-Spanish na si Raquel Solier o kilala bilang Various Asses kung saan binubuhos niya ang puso para sa kasanayan.
Bilang Prodyuser, abala siya sa pagsusulat, paghahalo kabilang na ang pakikipagtulungan nito sa mga rappers sa buong Australya.
Sa kabila ng tagumpay, hindi niya nakalimutan ang Pilipinong pinagmulan. At habang nagbibigay paggalang,inilalakip niya ang kagandahan ng kulturang Pilipino na ipinasa sa kanya ng kanyang pamilya sa kanyang mga press shots, imahe, bidyo at musika.
Panoorin ang kanyang music video kung saan tampok ang mga pagkaing Pilipino na espesyal pang iniluto ng kanyang pamilya.




