Entalula Beach sa El Nido pasok sa 2024 world's top 50 beaches

Philippines Palawan El Nido Entalula Island Small Paradise Beach

El Nido Entalula Island Beach Lagoon in Palawan. Credit: Mlenny/Getty Images

Napili ang Entalula Beach sa bayan ng El Nido, Palawan sa 2024 world's top 50 beaches.


Key Points
  • Ang 2024 world's top 50 beaches ay pinili ng mga travel experts mula sa iba't ibang panig ng mundo.
  • Bukod sa El Nido, pasok din ang magandang baybayin ng Bonbon Beach sa Romblon.
  • Ayon sa regional at provincial tourism offices ng Palawan at Romblon, malaking karangalan ito na hahatak ng turismo.

Sa ibang balita,binalewala ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pahayag ng Chinese Embassy na may hawak silang recording ng pakikipag-usap ng Chinese diplomat kay AFP Western Command Chief Vice Admiral Alberto Carlos ukol sa sinasabing new deal sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea para umano maayos na mapangasiwaan ang alitan sa rehiyon.

Ang Department of National Defense o DND, duda sa sinasabi ng China na maglalabas ng isang full recording.

Giit ng Defense Secretary Gilbert Teodoro, kung totoo mang may nangyaring ganitong pag-uusap, isinisiwalat ng China na nilabag nito ang batas ng Pilipinas at may pananagutan ito sa ating bansa.

Sa panig ng Beijing, pinanindigan nito ang umano’y new model agreement recording sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Lin Jian, tagapagsalita ng China Ministry of Foreign Affairs, inilatag na sa Chinese Embassy ang nasabing recording na matibay na ebidensya laban sa Pilipinas.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand