South Australia News. Buod ng pinak-huling ulat mula sa estado hatid ni Norma Hennessy Larawan :Royal Adelaide Hospital (Getty Images)
Derechong biyaheng eroplano na namamagitan sa Adelaide at Tsina ay pipirmahan na sa linggong ito; Bagong Royal Adelaide Hospital na nagkakahalagang $2.3b ay pinuna ng dalawang dalubhasang doktor dahil sa kakulangan nito ng espasyo para sa pagsasagawa ng mga clinical trials sa pagsusuri ng mga bagong gamut; Isang union ng mga nars sa estado ang nagmungkahi na dapat ma-regulate ang mga aged care worker sa sistema na gaya ng pagre-regulate para sa mga nars ng ospital; At sa larong football, mag-lalaban ang Adelaide Crows at West Coast sa pinal na round ng AFL home and away season sa Adelaide Oval.


