KEY POINTS
- Ang diborsyo ay hindi isang mahirap at mahabang proseso kumpara sa annulment sa Pilipinas.
- Ilan sa karaniwang dahilan ng diborsyo ay nakahanap ng iba o infidelity, isyu sa sarili at mga insidente ng karahasan sa pamilya.
- Kahit para sa mga mag-asawang ikinasal sa ibang bansa, tulad sa Pilipinas, ang diborsyo ay maaaring isulong sa Australia, sumusunod sa lokal na batas at regulasyon ng Australia.
Sa episode ng Love Down Under, nakausap natin ang Australian lawyer at registered migration agent na si Johanna Nonato ng Dragon legal services tungkol sa proseso ng diborsyo sa Australia.
Ayon kay Ms Nonato, mabilis ang proseso ng diborsyo sa Australia.
"Sa Australia ay may no-fault divorce. Ibig sabihin hindi kailangan ng rason basta you both decided na hindi na. Medyo Madali ang divorce. It can take you as fast as 2-6months makakadivorce ka na kung walang aapila."
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema, mainam na kumonsulta sa isang eksperto.
Ang 'Love Down Under' ay isang podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pag-ibig, relasyon at mga kwentong pamilya.