Key Points
- Ang paglipat ni Rachelle Reyes-Tulloch sa Australia ay nagpatibay sa kanya bilang isang tao, nagbigay daan sa pagbuo ng pamilya, at nagbukas ng mga bagong oportunidad.
- Lakas ng loob at pananampalataya ang naging sandigan ng Manilenya na mag-isang hinarap ang mga hamon sa Australia.
- Hinihikayat niya ang lahat na tuklasin ang mundo at pamumuhay sa ibang bansa, at huwag hayaang hadlangan ng negatibong kwento tungkol sa rasismo o mga hamon ang personal na pag-unlad.
Sa pagbabalik-tanaw sa nakalipas na 30 taon, inaalala ng Manilenya na AusAID scholar at learning designer na si Rachelle Tulloch ang kanyang panibagong buhay sa paglipat sa Australia, binigyang-diin niya kung paano siya umunlad bilang isang tao at nakabuo ng sariling pamilya nang iwan niya ang kanyang comfort zone.
It's all worth it. Coming to Australia has really shaped me as a person. I sometimes think of the sliding doors thing that if I didn't go to Australia and I stayed in the Philippines, what would my life have been. And so I say to everyone, get out and see the world. Travel. Go to and try to live in other places because the world is a very big place.Rachelle Reyes-Tulloch, a happy wife and mum





