Pakinggan ang audio
Malakas pa ang pangangatawan ng 71 taong gulang na si Nelly Nabaunag mula Sydney. Ngunit hindi maitatanggi kakaibang naramdaman na ito sa kanyang pandinig.
Kahit hindi malala ang deperensya na kanyang napapansin, tanggap na nito ang nangyari lalo't nagkaka-edad na.
Highlights
- Lumabas sa bagong pag-aaral na mas mababa pa sa 2 sa 5 Australians na may edad 50 pataas ang nagpapasuri sa eksperto sa loob ng dalawang taon. 6 na milyong Aussies ngayon ang nabubuhay ang bingi.
- Mababa sa 18 porsyento ang nagpapakonsulta sa eksperto dahil sa deperensya sa pandinig, kumpara sa ibang iniindang sakit
- Ang pagkabingi ay nagdudulot ng hindi komportableng pamumuhay
Inamin nito kahit isang beses hindi pa siya nagpasuri sa doktor dahil hindi naman nakakabahala o malubha ang kanyang kondisyon.
" Minsan ko lang naman nararanasan na hirap na akong makarinig, lalo na kung medyo malayo at may ibang tao," kwento nito.
Sa ngayon inuuna muna nito ang pagpapapasuri sa doktor ng iba nitong nararamdaman,at para mas maganda ang epekto sinabayan pa ng pagdidisiplina sa pagkain.

Nelly Nabaunang inaming importante ang malinaw na pandinig para maipagpatuloy ng buhay kasama ang pamilya. Source: Nelly Nabaunag
"May maintenance na ako na gamot para sa high blood at cholesterol. Kapag iba ang pakiramdam ko saka ko lang iniinum ang para Cholesterol ko. At nagpapadoktor ako sa mata dahil may astigmatism ako.
Maliban sa pag-inum ng gamot, maingat din ako sa pagkain ng karne. May diet din akong sinusunod, isang beses sa isang araw lang ako kumakain ng rice, isa sa uma at gulang at prutas na sa gabi."
Si Nelly Nabaunag isa sa mas mababa pa sa dalawa sa limang residente dito sa Australia na may edad 50 anyos pataas, ang hindi nagpapatingin sa mga ekspeprto sa kanilang pandinig, kahit pa umaabot sa 6 na milyong katao ang namumuhay na nakakaramdam na ng pagkabingi , ayon yan sa isang pag-aaral.
Lumalabas din na 18 porsyento sa bilang na ito, prioridad munang ipasuri ang ibang nararamdaman kaysa kanilang problema sa pandinig.
Bagay na ikinababahala ni Kathryn Launchbury isang Senior Audiologist mula Melbourne Victoria.
" Dapat magpasuri sa eksperto para malaman kung anong lebel at deperensya ng pagkabingi"
Payo ng mga eksperto kung papabayaan ang deperensya sa pandinig baka lumala at maka-apekto sa kanilang pamumuhay at relasyon sa iba.
" Kahit kaunti lang ang deperensya at napabayaan maaari itong lumala at kapag nangyari iyon magdudulot ito ng hindi komportableng pamumuhay, at apektado din ang relasyon sa pamilya."
Bagay na ayaw mangyari ni Nelly lalo’t mahalaga sa kanya ang pamilya.
"Napakahalaga na malinaw ang pandinig ng tulad kong nagkaka-edad na dahil ngayon ang panahon na dapat ma-enjoy ko ang aking pamilya, mga anak at apo.
Kapag hindi napagamot at nabingi ng tuluyan para mga tumatanda parang wala ng silbi ang buhay. Dahil ang pamilya lang ang makakapagpasaya sa akin kaya importante maayos ang aking pandinig."
Paunawa ng mga eksperto maraming opsyon na pwedeng pagpilian para magamot ang kondisyon ng kanilang pandining.
"Magpasuri sa eksperto, at huwag mag-alala dahil maraming opsyon ang pwedeng piliin para magamot ang pagkawala ng pandinig o paglagay ng hearing aid. Naghahanap din sila ng paraan para hindi mabigatan sa babayarin."
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor .
READ MORE