Pangangalaga sa kalusugan ng pandinig

New research reveals there is still a lack of understanding around hearing loss, with 3.6 million Australians currently suffering hearing loss

New research reveals there is still a lack of understanding around hearing loss, with 3.6 million Australians currently suffering hearing loss Source: Getty Images

Ang pagkabingi ay isang karaniwang problema na dulot ng malakas na ingay, pagtanda o heredity. Paano ba natin mapangangalagaan ang kalusugan ng ating pandinig, ating talakayin sa Healthy Pinoy.


Nalaman sa isang bagong pag-aaral na nasa 3.6 milyong mga Australyano ang kasalukuyang may problema sa pandinig, habang nasa 1.3 milyon naman ang may kondisyon sa pandinig na sana ay maiiwasan kung binigyang pansin ang kalusugan ng tenga.

Kamakailan, nagdaos ng isang survey ang Amplifon at ayon sa audiologist na si Dani Giampietro, konti lamang ang kaalaman ng mga Australyano tungkol sa kalusugan ng kanilang pandinig at hindi din umano nila priyoridad ang kalusugan nito.


Highlights 

  • Karamihan sa mga Australyano ang hindi pinapahalagahan ang kalusugan ng kanilang pandinig
  • Hindi binibigyan ng priyoridad ng mga may edad singkwenta'y anyos pataas ang kalusugan ng kanilang pandinig kumpara sa mga mas nakababatang henerasyon
  • Hikayat ang pagsasailalim sa isang hearing test isang beses kada taon
 

Kalahating porsyento din ng mga Australyano ang hindi 'confident' na maari nilang matukoy ang sintomas ng pagkabingi.

Paliwanag ni Bb Giampietro, hindi binibigyan ng priyoridad ng mga may edad singkwenta'y anyos pataas ang kalusugan ng kanilang pandinig kumpara sa mga mas nakababatang henerasyon.

Dagdag niya, na ang pagka-expose sa sound level na mahigit pa sa 85 decibel, na katumbas na tunog ng isang lawn mower o leaf blower ay nagdudulot ng pagkasira ng tenga lalo na kung expose ka dito ng mahigit sa dalawang oras.

A hearing check
A hearing check Source: Supplied

Paano mapangalagaan ang pandinig sa simpleng paraan?

Ayon sa mga audiologist, pinakamdaling paraan upang pangalagaan ang kalusugan ng ating pandinig ay ang pag-iwas sa mga malalakas na ingay.

Kung gumagamit man ng lawn mower o exposed sa malakas na ingay sa trabaho, siguraduhing hindi ito sa antas na makakasira ng pandinig.

Isang paraan din ang paggamit ng personal listener.

Ang personal listener ay maliit na personal amplifier na ginagamit sa pakikipag-usap sa ibang tao sa mga maingay na lugar, sa lugar trabaho o kahit man sa mga pangrupong aktibidad.

At higit sa lahat mahalaga na habang maaga ay bigyang pansin ang kalusugan ng pandinig sa pamamagitan ng pagsasailalim sa isang hearing test isang beses kada taon.

Kung nakakaranas na ng hearing loss, payo niya ang regular na testing.

Kung may pamilya o kaibigan na humaharap sa hamon ng pagkabingi, mahalaga na hikayatin din sila na magpasubok.

BASAHIN/PAKINGGAN




Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pangangalaga sa kalusugan ng pandinig | SBS Filipino