Ang Council of International Student Australia (CISA), ang pambansang organisasyon na kumakatawan sa mga internasyonal na mag-aaral, ay naglalayong magtaguyod sa mga interes at pangangailangan ng lahat ng mga internasyonal na mag-aaral sa pamamagitan ng pag-abot sa mas marami pang mga internasyonal na estudyante at iugnay ang mga ito sa mga tamang ahensya.
"We aim to create awareness and raise the fact that international students...are among the key stakeholders of the community. We grow, we put the diversity in organisations, and contribute to the international education and the general community of Australia," ayon kay Ralph Teodoro, National Vice President ng CISA habang kanyang ibinahagi ang mga oportunidad na naibigay sa kanya ng CISA na nais niyang ibahagi sa kapwa niya mga mag-aaral.

CISA Execs: Kasun Kalhara, Belle Xuan, Keon Simmons, Bijay Sapkota, Benjamin Poveda Alfonso, Rakhi Mukherjee, Manfred Mletsin, Maria Shumusti, Don Doughty, Ayub Alam Khan & Ralph Teodoro (CISA Facebook) Source: CISA Facebook
Sa pamamagitan ng kanyang posisyon sa CISA, hangad ni Teodoro na maibalik sa komunidad ng mga internasyunal estudyante ang pagkakataong kanyang natanggap sa "pakikipagtulungan sa mga ahensya at organisasyon na direktang nauugnay sa mga internasyonal na mag-aaral."

CISA National Vice President Ralph Teodoro meeting with organisation representatives relating to international students (Supplied) Source: Supplied