“We are a very deep people of faith coming from the Philippines and with that cultural heritage, we bring it here,” pagbabahagi ni Fr Junray, isang batang Katolikong Pilipinong pari mula sa Diyosesis ng Sandhurst sa Melbourne.
Nasaksihan na ng kanyang mga mata ang mga kuwento ng walang kasiguraduhan, mga nabigong plano at pag-iisa ng mga bagong Pilipinong migrante sa Australya. Ngunit kanya ring nakita sa kanila kung paanong ang mas malalim at makabagong pag-unawa sa pananampalataya, dulot ng pagharap sa kanilang pagsubok, ay binago sila upang maging mas mapagtanggap, positibo at puno ng pag-asa.
Ibinahagi ni Fr Junray na ang papel ng pananampalataya para sa migrante ay hindi lamang upang magbigay ng suporta, ngunit isang instrumento para manatiling puno ng pag-asa; pinahintulutan din sila nitong tiisin ang walang kasiguraduhan at tanggapin ang partikular na realidad kahit na ito ay mahirap tanggapin sa ilang mga pagkakataon.
Sa kanyang pagbabalik-tanaw sa nakaraang sampung taon noong siya ay bulnerable din tulad ng nakararaming mga bagong dating na migrante, may mga bagay na biglaang nawala sa kanya na nagdulot para maramdaman niyang siya ay nag-iisa. Ngunit kanya itong nalampasan sa kanyang pagbisita sa mga simbahan sa Melbourne. Naging pinagmulan ito ng liwanag para sa kanya, at nagdala ng kasiyahan sa kanyang puso. Ang pananampalataya ang naging daan sa pagkabuti ng kanyang kalagayan.

Priests from St Kilian's Parish (Supplied) Source: Fr Rayna
“[Faith] does not only bring optimism but it is a very strong core of our being. Even though we can be really lonely, as long as we have a strong faith, we could remain strong at times of our personal crises here,” pagbabahagi ni Fr Junray.
Ang pananampalataya ay mayroong mahalagang papel sa proseso ng migrasyon para sa maraming Pilipinong kanyang nakilala sa Melbourne; nagsimula ito sa kanilang preparasyon sa Pilipinas, noong sila ay bumibisita sa iba’t ibang simbahan para magdasal sa matagumpay na aplikasyon ng visa, tungo sa pagdating at pamamalagi sa Australya.

St. Kilian's Parish church-goers (Supplied) Source: Fr Junray
Habang marami sa mga Pilipinong ito na dumating sa Australya ay dala-dala ang pag-unawa sa pananampalataya bilang daan sa mabilisang pagtamo ng mga pangarap at malalaking plano na mayroon sila para sa sarili at sa kanilang pamilya, hinimok naman ni Fr Junray ang populasyong ito na muling bigyang bagong-kahulugan ang pananampalataya at tingnan ito bilang akto ng tuluyang pagsuko sa Diyos.
Kanyang binigyang halimbawa ang kuwento ng batang nars na nasa ‘bridging visa’ ilang taon na ang nakakaraan. Ang batang nars na ito ay naging labis ang paniniwala sa kanyang sarili para magawa ang kanyang kagustuhan, na nagdulot lamang ng kanyang pagkadismaya dahil ang kanyang mga plano ay nabigo ng isa-isa. Ito ay aral na kanyang natutunan kaya nagsimula siyang isuko ang kanyang pananampalataya; hindi naglaon, kanyang nadiskubre ang mas magandang kuwento na ibinigay ng Diyos para sa kanya. Sa kasalukuyan, ayon kay Fr Junray, ang nars na ito ay masayang nagtatrabaho sa Melbourne.
Ito ang aral na ang batang Katolikong pari ay nais na ipaalam sa bago pa lamang kararating na Pilipinong migrante, na isuko ang mga plano sa Diyos. Ayon kay Fr Junray, ang pagdating sa bagong lupain, ay maaaring dalhin ang isang tao sa estado ng pagiging bulnerable, ngunit sa pagkakaroon ng pananampalataya, nagkakaroon ng pag-asa na may naghihintay na napakagandang biyaya.