Libre ang pasahe sa mga Adelaide train commuters ngayong araw ng Huwebes; Mga estudyante ng Flinders University ay lumikha ng Star Wars Chessboard holograms na naidisplay noong ika-apat ng ng Mayo sa okasyong itinatanghal na tinaguriang International Star Wars Day; Nagbabala ang Flinders University na mag-opresir ng maagang retirement package sa mga eleigible staff at maaa-ri itong maka-apekto sa trabaho ng bawat staff sa unibersidad at gayun din sa kalidad ng serbisyo, ayon sa Education Union; Sa Whayalla, binigyang pag-asa ni Minister Weatherill ang Oz Minerals na bilang potensiyal na investor na papalit sa pag-alis ng Arrium Steelworks; Ang budget na pederal para sa South Australia ay hindi makakapagbigay ng sapat na mai-uukol para sa pipeline ng nga bagong proyektong infrastraktura, ayon sa Opposition Infrastructure Spokesman na si Anthony Albanese; at Ang Qatar airways ay nagkaroon ng ekspansiyon sa kanilang operasyon at kasali dito ang kanilang naka-iskedyul na lipad dito sa Adelaide; kwarantina iniatas sa Colonel Light Gardens at karatig pook pagkatapos makita ang fruit fly larvae sa Adelaide.
Pampederal na badyet sa imprastruktura hindi sapat: Oposisyon
Adelaide News. Buod ng pinaka-huling ulat mula sa South Australya hatid ni Norma Hennessy. Larawan: Mga gusali sa Adelaide (AAP/South Australian Tourism)
Share


