Sa kauna-unahang pagkakataon, online ginaganap ang kompetisyon sa taong ito kung saan maglalaban-laban ang 33 mga kababaihan mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas at ilang komunidad Pilipino sa ibang bansa.
Pambato ng mga komunidad Pilipino-Australyano ang dilag mula Melbourne na si Ilyssa Marie Mendoza. "This is my first-ever beauty pageant. This is new to not just me but my whole family," masayang lahad ng dalaga.
Mga Highlight
- Habang maraming beauty pageant ang pinili na iantala ang mga kompetisyon sa taong ito, itinuloy naman ng Miss Philippines Earth ang kanilang taunang kompetisyon sa kabila ng coronavirus pandemic.
- 33 kababaihan muna sa iba't ibang panig ng Pilipinas at ilang komunidad Pilipino sa ibang bansa ang magtatagisan hindi lamang ng ganda kundi ng galing at pagiging maka-kapaligiran.
- Pambato ng komunidad Pilipino-Australyano mula sa Melbourne ang dilag na si Ilyssa Marie Mendoza
Dahil sa malaking bahagi ng taunang kompetisyon ang pagtataguyod sa kapaligiran, para kay Ilyssa Marie Mendoza, hangad niya na makahanap ng mga paraan at resources para makatulong sa sapat at tamang paghihiwalay ng mga basura at mabawasan na rin ito.
Ang taunang Miss Philippines Earth pageant ay ginagawa upang hanapin ang pinakagaganda at may natatanging kamalayan at pagmamahal sa kapaligiran sa Pilipinas.
Bagaman may mga hamon, tulad na lamang ng koneksyon ng internet, na kinakaharap sa pagsasagawa ng online na kompetisyon, tuloy ang laban 'ika nga.

Tasked to create and design an eco-friendly outfit, the resourceful Ilyssa used biodegradeable household items in order to create her wings. Source: Supplied
Kanya-kanyang hanap ng diskarte kung paano maipapakita ng mga dilag ang kanilang galing sa pag-rampa sa kani-kanilang mga bahay habang ipinapakita nila ang kanilang mga kasuotan sa iba't ibang kategorya tulad ng casual wear, beach wear at evening gown.
Sa ngayon, natapos na ang ilang bahagi ng kompetisyon tulad Best in Casual Wear at Beach Wear, Talent portion at Evening Gown.

Miss Philippines-Melbourne 2020 Ilyssa Marie Mendoza was borne in Australia but her parents are from Bulacan. Source: Supplied
Nakuha ni Bb. Mendoza ang Bronze Award para sa Evening Gown. Kasama rin siya sa Top 10 para sa Miss Hana 2020 na hanap ang babaeng may pinakamagandang buhok.
Bago pa man ang pandemya, nakahanda na sana si Ilyssa Marie Mendoza na umuwi sa Pilipinas para sa kompetisyon ngunit dahil nga sa hindi inaasahang pandemya, hindi siya natuloy.

In her casual wear. Ilyssa likes to match her outfit with the season and right now it's winter in Melbourne, hence the blouse blazer & white top for the blue weather and colour of the snow. Source: Supplied
Ngunit nagpapasalamat pa rin siya na ito'y itinuloy kahit na online lamang.
Mapapanood ang kompetisyon sa Facebook page ng Miss Philippines Earth kung saan ang grand final ay gaganapin sa ika-5 ng Hulyo.