Ito ang buod ng paglalakbay ng apat na naggagandahang Pilipina na ito partikular para kay Mrs. Classic Top Asia Marlyn Pearce at Grandma International at Grandma Universe Talent Elsa Gruber na kamakailan ay nakipagkompetensya sa Bulgaria at inuwi ang kanilang mga napanalunang titulo at korona.
"Hindi mahalaga ang edad sa mga pageant. Walang limitasyon kung sino ka man o kung nasaan ka man, ang lahat ay may pagkakataong sumali," pahayag ni Mrs Grandma International at Grandma Universe Talent Elsa Gruber.
"Dati ko pang nais na maging Miss Universe, pero ngayon ito ay natupad sa pamamagitan ng kumpetisyon ng Mrs Universe. Gaano ka man katanda, ang iyong pangarap ay matutupad," sabi ni Mrs Classic Top Asia Marlyn Pearce.
Habang, bilang isang teener si Ms Australasia Charity Queen 2017 Vlyshell Carlyon ay maaari pang maaaring matutunan tungkol sa mga pageant ngunit "nais niya naa gamitin ang pagkakataon ng kanyang titulo upang makatulong na magsalita sa pagtataguyod laban sa bullying."
"Mahalin at tanggapin ang iyong sarili kahit na sino ka man. Hindi mahalaga kung ano ang iniisip ng iba, manatiling positibo," ang mga salitang nais niyang ibahagi sa mga kabataan na humaharap sa mga hamon sa kanilang buhay.
Ibinahagi naman ni Mrs Universe Courage 2016 Maryrose Salubre ang mga detalye ng lahat ng iba pang mga titulo ng pageant kasama ang Mrs Universe Australia at Woman of the Universe - na kanyang pagkaka-abalahang pamahalaan siya upang palakasin at magbigay lakas sa iba at para sa mga kababaihan na mapagtanto ang kanilang buong potensyal - pagsabay-sabayin ang pagiging isang ina, maybahay, full-time na manggagawa at beauty queen o charity queen.
Panoorin ang bideyo ng interview: