Nagningning ang ganda ng syam na kandita mula Pilipinas at Thailand na sumabak sa Miss Mardi Gras International Queen 2021.
Pero hindi tulad ng pagrampa sa nagdaang sampung taon, virtual o online ang naging labanan at koronasyon.
Pinangunahan ng Flagcom and Friends ang taunang event.
Ayon sa isa sa mga director ng samahan na si Albie Prias, dahil sa pandemya, hindi pa pinapayagan ang pagbiyahe ng mga kandidata. Kaya ang mga sumali ay nagpapadala ng kanilang videos na may full production para sa national costume, swimwear at long gown.
"Ang daming applicants and hindi sila makapunta dito. Sabi nila nakapaghanda na sila. So, nag isip kami and asked kung kaya ba natin ito kasi hindi tayo bihasa sa technology"
"Mahaba ang plano and kinailangan namin i-segment dahil hindi kayang mag-edit ng videos all at once."
Sa unang pagkakataon, nagharap-harap ang mga binibini via Zoom sa gabi ng koronasyon na ginanap naman sa Paravilla Function Center sa Parramatta, NSW. Dito rin ginanap ang nakaka-kabang Q&A na sumala sa husay ng mga kandidata.
Hindi naman naiwasan ang pagkakaroon ng technical glitches. Ayon sa mga organisers, bahagi ito ng mga challenges sa una at bagong yugto pageantry sa panahon ng pandemic. Pero sa huli, naging matagumpay ang programa.
Pasok sa top 4 ang tatlong kandidata mula sa Pilipinas na si Clod Bernardino ng Taytay Rizal, Marianne Crisologo ng Nueva Ecija at Julry Adolfo ng Cebu at Elena Suvapitcha Chuleard ng Thailand.
Tinanghal na Miss Mardi Gras Rainbow Princess ang Thai trans na si Elena.
Habang humakot naman ng award at kinoronahan bilang bagong Miss Mardigras International Queen ang Pinay transgender na si Mariane Arguelles Crisologo.
Isang Beauty queen, dancer, and freelance model si Mariane na sumabak na maraming beauty contest at nag uwi ng mga titulo para sa bansa. Sya rin ang tinanghal na Queen of bECQi 2020 sa Pilipinas bilang pinakamagandang beki bansa.
Labis ang saya ng kanyang mga online supporters na tumutok sa online coronation. Wala man sa Sydney para tanggapin ang korona at mga parangal, taos puso naman ang kanyang pasasalamat.
Bukod sa pagpapamalas ng ganda, talino at talento ng mga kalahok.. layunin din ng event na magbigay ng kaalaman tungkol sa mga karapatan ng mga LGBTQI sa buong mundo at pagtalakay sa safe sex para sa mga myembro ng komunidad.
Isang paraan din ito para maging busy ang kanilang mga myembro sa kabila ng mga pagsubok na dala ng coronavirus sa kani-kaniyang bansa ayon kay Albie.
"Kapag hindi naging busy, nagiging naughty ang members ng LGBTQI kaya binibigyan ko sila ng pagkakataon na gumawa ng kapaki-pakinabang. "
"Pag wala silang trabaho nagiging parang sex workers, kaya para mailayo namin sila sa ganun, iniinvolve namin sila sa mga activities which is very effective."
Ayon sa isang sikat na Sydney fashion designer at artist na kilala sa pagbuo ng mga glamorosang costume na si Rene Rivas, napakahalaga ng mga ganitong event para bigyang boses ang mga myembro ng LGBTQI+ community sa buong mundo.
"This gives an opportunity for the Filipino community and their friends to come together and celebrate the LGBT community."
"It is important to create awareness within the community because more than 58 countries around the world don't have legal rights for LGBT community. I think it's really important that we still have the conversation and allow ourselves to respect each other as human beings"
Inaasahan naman na muling babalik sa pagrampa sa mga entablado ang mga kandidata sa mga susunod na event at kapag tuluyan nang natapos ang problema ng mga bansa sa COVID-19