Ang "Makikitawag lang ako", isinulat labing-limang taon na ang nakalipas ni Teresa Jopson - na kasalukuyang kumukuha ng kanyang doctoral sa Australian National University, ay nakakuha ng interes mula sa mga estudayante ng Philippine Normal University (PNU) na nagresulta sa kanilang gagawing pagsasadula.
Ibinahagi ni Jopson ang kanyang tuwa na mapili ito ng mga myembro ng PNU Theatre Guild na napapanahon at tila sumasalamin sa mga madilim na komedyang nangyayari ngayon sa pulitika sa Pilipinas.