'Filipino All Souls Day', pag-aalala ng mga Pilipino sa Sydney sa mga yumaong mahal sa buhay

Thousands of Filipino-Australians have attended the 'Filipino All Souls Day' service last weekend to remember their dearly departed.jpeg

Thousands of Filipino-Australians have attended the 'Filipino All Souls Day' service last weekend to remember their dearly departed. Credit: SBS Filipino/Annalyn Violata

Bago pa man sumapit ang Undas o araw ng mga patay sa Pilipinas, isang pagtitipon sa Kanlurang Sydney ang gagawin para alalahanin ang mga pumanaw na mahal sa buhay.


Key Points
  • Inaalala ng mga Pilipino sa Australia ang mga yumaong mahal sa buhay tuwing Undas.
  • Gagawin ang 'Filipino All Souls Day' service para basbasan ang mga puntod sa ilang memorial park sa kanlurang Sydney.
  • Ang Undas ay mahalagang parte ng tradisyon ng mga Pilipino.
Ang Todos Los Santos o panahon ng Undas ay mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino. Pagkakataon ito ng pag-aalalay ng dasal at pagbabalik-tanaw sa naging buhay ng mga pumanaw na mahal sa buhay o kamag-anak.
Members of the Filipino Chaplaincy Archdiocese of Sydney with Papal Nuncio to Australia Archbishop Adolfo Tito Yllana (wearing a mitre on his head during the 2019 Filipino All Souls Day service.
Members of the Filipino Chaplaincy Archdiocese of Sydney with Papal Nuncio to Australia Archbishop Adolfo Tito Yllana (wearing a mitre on his head during the 2019 Filipino All Souls Day service.
Nasaksihan ni Father Nards ang pagsisimula nito at isa siya sa dalawang pari na kasama sa nagsasagawa ng misa at pagbabasbas sa mga puntod mula pa nang simulan nito noong 1995.

Ani Fr Nards, "napakahalaga para sa atin [mga Pilipino] ang panahong ito dahil sa inaalala natin 'yung mga namatay nating mga minamahal sa buhay."

"Hindi lamang ito isang religious activity kundi parte ng kultura natin."
Reverend Reginaldo Lavilla leading the church service, with 10 other Filipino priests, at the Pinegrove Memorial Park service.
Reverend Reginaldo Lavilla leading the church service, with 10 other Filipino priests, at the Pinegrove Memorial Park service. Credit: SBS Filipino/Annalyn Violata
Nitong Sabado, Oktubre 29, humigit-kumulang isang libong Pilipino ang dumalo sa ginagawang "Filipino All Souls Day" sa Pinegrove, Forest Lawn at Castlebrook Memorial park.

Ang tatlong nabanggit na memorial park ay matatagpuan sa mga lugar kung saan maraming Pilipino ang nakatira.

Ani Aileen Labiga, Client Services Manager ng Multicultural Centre Division ng Invocare, na siyang nangangasiwa sa kaganapang ito, "dahil sa bahagi ito ng ating tradisyon, isang mahalagang okasyon ito para sa maraming Pilipino sa Sydney."

"Sa Pilipinas, holiday na po 'yung ganitong panahon, nag-uuwian lahat, para makadalaw sa mga sementeryo."

"Ang kaibahan lang dito sa sa Australia, dahil may trabaho ang lahat, kaya isine-selebra namin ang Todos Los Santos tuwing araw ng Sabado na pinakamalapit sa All Soul's Day na November 2."

Taong 1995 pa nang unang simulan ang paggunita na ito ng Filipino All Souls Day.
Members of the Alpha Phi Omega Australia Alumni Association NSW Chapter have been attending and helping out at the yearly Filipino All Souls' Day event. .jpeg
Members of the Alpha Phi Omega Australia Alumni Association NSW Chapter have been attending and helping out at the yearly Filipino All Souls' Day event. Credit: SBS Filipino/Annalyn Violata
Naniniwala din ang kasalukuyan at dating pangulo ng grupong Alpha Phi Omega Australia Alumni Association NSW Chapter na sina Catherine Indac at Ellen McCarthy na bukod sa mahalagang pag-alala sa mga pumanaw na mahal sa buhay, ang araw ng mga patay ay malaking bahagi ng kulturang Pilipino.

Tuwing unang araw ng Nobyembre gunigunita ang All Saints’ Day, habang ang Noyembre 2 ay All Souls' Day.

Ang grupong APO NSW Chapter ay taon-taong dumadalo sa taunang All Souls' Day memorial service – tumutulong sila sa paghahanda ng mga kailangan sa Chapel kung saan ginagawa ang misa.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand