Filipino artist Rod Tan idinesenyo ang "Harmony" sa Vivid Sydney

Vivid Sydney

Vivid Sydney's Harmony Source: Supplied by Rene-Ann Glover

Namangha kung gaano ang pagkakaiba ng kultura ng kanyang mga katrabaho at ng komunidad sa Sydney, ginawa itong inspirasyon ni Rod Tan upang idisenyo ang puno ng ‘Harmony‘, isa sa mga tampok na instalasyon ng Vivid Sydney sa taong ito.


Suwerte ng unang pagkakataong pagsali, sabi ng ilan, ngunit para sa pangunahing nagdisenyo ng Harmony na si Rod Tan, isang dating arkitekto mula sa Pilipinas na lumipat sa Sydney isang taon pa lamang ang nakalipas matapos ang halos anim na taon na pagta-trabaho sa Singapore, naniniwala siya na ang kanyang konsepto ay may malakas na mensahe na nagpapakita ng pagkakaiba-iba at pagiging multikultural ng Sydney.
Vivid Sydney
'Harmony' main artist Rod Tan (left photo); Rod Tan (2nd photo, seated, left) with his collaborators while installing the lights (Supplied by Rene-Ann Glover) Source: Supplied by Rene Ann Glover
Kasama ng co-artist na si Lawrence Liang, ang konsepto ay ipinapakita sa pamamagitan ng isang interactive na porma ng puno, kung saan ang anim na elemento ng mga ilaw at tunog ay paikot na makikita mula sa ugat paitaas ng puno.

Ang puno ng Harmony ay isa sa mga light installation na makikita sa Royal Botanical Garden na kasama sa Vivid Sydney na mapapanood hanggang ika-15 ng Hunyo 2019.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand