Nagsabi si Diaz na ang pagiging bahagi ng pamilya ng Australya ay nangangahulugang pagkakaroon ng benepisyo hindi lamang sa iyong sarili kung hindi pati na rin sa iyong pamilya.
Pareho ang naging mensahe ni Santos na hinikayat ang mga Pilipino na hindi pa mamamayan ng bansa, na sumama sa kanilang grupo dahil maraming benepisyo ang pagiging isang Australyano.
Bilang naunang Asyano na nahalal sa konseho ng siyudad ng Blacktown, nagbigay-payo si Diaz sa mga Pilipino na nais na maging mamamayan ng Australya na magpatuloy at gawin ang tama: “You persist and try to do everything right. Citizenship is one, as what we already said, carries with it responsibilities and obligations.”
Kanya ring binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng komunidad Pilipino; ang ugnayang ito, kapag pinahalagahan, ay isang malakas na puwersa na magbibigay-benepisyo sa mga Pilipino.

Councillor Jess Diaz - Ward 1 - Blacktown City, at the 2019 Citizenship Ceremony held at Blacktown City Council Source: C. Diones
“We are all Filipinos, that is our common denominator. We may come from different areas in the Philippines; we are known to be regionalistic but above all, we are Filipinos so we should unite because we have a common goal [and] we have a common purpose so let’s all be together.”
Pakinggan ang kabuuang panayam.