Reaksyon ng Filipino football fans sa makapigil-hiningang laro ng Filipinas para makapasok sa World Cup

Philippine football team fans and supporters

Bedia family gathered together to watch the AFC Women’s Asian Cup quarter finals Source: Elmer Lacknet Bedia

Umapaw sa kaba at sari-saring emosyon ang tahanan ng mga Pinoy na nanood ng laban ng Pilipinas sa quarter finals ng AFC Women's Asian Cup, na naging daan sa pagsungkit ng bansa ng pwesto sa 2023 FIFA World Cup


Highlights
  • Tinutukan at naging emosyonal ang maraming fans sa pagsubaybay sa laro ng Philippine women's national football team
  • Katuparan ng pangarap sa mga atletang Pilipino ang pagtuntong sa World Cup
  • Pinag-iipunan na ng ilang taga-suporta ang pamasahe at ticket para mapanood ang Filipinas sa Australia at New Zealand
World Cup-bound na ang Filipinas o Philippine Women's National Football Team matapos makalusot sa quarter finals nitong Linggo laban sa Chinese Taipei kahit na natalo sa huling laban sa  South Korea. Nakalusot ang unang sipa ng Koreans sa ika-45 minuto at nagtapos ang laro sa score na 2-0.

Sa kabila nito, tuloy ang selebrasyon ng mga fans na excited na sa makasaysayang pagsabak ng mga Pinay sa FIFA World Cup na gaganapin sa Australia at New Zealand sa 2023.


Pakinggan ang audio

Hinakot ng Mr Football ng Pilipinas Elmer Bedia ang buong pamilya sa Brisbane para mapanood ang laban.

Bitbit pa ang Philippine flag, tinutukan nilang mabuti ang bawat sipa ng mga manlalaro.

Habang naka-break sa duty naman ng madaling araw ang ngayo'y nurse sa Melbourne at dating player ng Under19 Women’s Philippine football team  na si Arqueene Chiong, sinubaybayan nya ang buong game.

"Minsan nagugulat yung mga kasama kong Australians dahil bigla akong napapa-palo sa mesa lalo na kapag may mga missed shots."

Sa Sydney, hindi naman napigilan ni Mutya Lara, isa sa mga manlalaro ng unang women futsal team ng pilipinas na maging emosyonal habang pinapanood ang mga pinay players.

"Sabi nung isang dati kong team mate, World Cup na tayo girl! kaya ang saya kasi nagkaroon ng maraming meaningful conversations."

Habang sa Pilipinas, kahit disi oras ng gabi, hindi rin nag paawat ang bartacnon coach at dati ring philippine national football player na si Tommy Bedia Escultero.

"Pag dito sa Pilipinas, lalo na sa probinsya, maagang natutulog ang mga tao kaya halos di kami makasigaw pero intense yung laban kaya yung hiyaw namin parang walang lumalabas na boses"

Mas naging kapana-panabik ang pagdating ng penalty kick round.
Make or break kasi ang sitwasyon lalo na at sunod sunod na pumasok ang sipa ng Taipei team. Di na mapakali ang mga pinoy fans habang pinagdadasal na masasalag lahat ng goalie na si Olivia Mcdaniel ang mga bola hanggang sa humantong sa huling sipa na pinakawalan ni Sarina Bolden.

Ang pag-angat ng Philippine Women’s National Football team sa AFC Women’s Asian Cup 2022 ay malaking karangalan na para sa mga atletang Pilipino.

Pero ibang usapan daw ang suporta na ibibigay nila sa mga kababayan sa pagrepresenta ng koponan sa unang pagkakataon sa World Cup. Ang iba, ngayon pa lang nag-iipon na ng pamasahe at pambili ng ticket para mapanood ng personal ang laban.

Inspirasyon para sa mga Pilipino ang pagkakataong ito na ibinigay ng mga babaeng manlalaro. Umaasa naman ang lahat na magiging simula ito ng mas maraming oportunidad para tuluyang makilala ang galing ng mga Pinoy saan mang larangan.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand