Mga Pinoy, mas madaling kapitan ng diabetes

The National Diabetes week

Source: Getty Images/Peter Dazeley

Ayon sa mga ulat, isa ang mga Pilipino sa mga ethnic groups na maaring magka-develop ng diabetes. Kaya ngayong Hulyo bilang paggunita ng Diabetes awareness month, ating talakayin ang mga early signs, klase at pamamahala ng diabetes.


Ang diabetes ay isang metabolic disorder na naglalarawan ng mataas na blood sugar na mula sa mga defects sa insulin production at insulin action. Ang insulin ay isang hormone na nanggagaling sa pancreas at ito ay importante sa pagkontrola ng blood glucose levels at paggamit ng cells sa glucose ng normal.

Ayon sa ulat, isa ang mga Pilipino sa maraming ethnic groups na madaling kapitan o prone na magka-develop ng diabetes. Ito ay marahil sa genetic, environmental factors o lifestyle.

Early signs ng diabetes

Paliwanag ng diabetes nurse na si Miss Xinia Zapanta, ang mga karaniwang sintomas ng diabetes ay pagka-uhaw, pagkagutom, fatigue, frequent urination. Maari din makaranas ng dry mouth, itchy skin, blurred vision, weight loss, numbness ng kamay at paa at slow healing ng mga bruises. 

Hikayat niya na kung mayroong isa sa mga sintomas, bumisita sa GP para malaman ang iyong glucose level sa pamamagitan ng fasting blood sugar test, two-hour postprandial blood sugar test, at glycated hemoglobin test.

Mga klase ng diabetes

Pagpapatuloy ng nurse na si Ms Zapanta may tatlong klase ng diabetes:

Ang type 1 diabetes ay nangyayari kapag ang inyong immunity ay sinisira ang specific insulin-producing cells sa inyong pancreas. Tinatawag din itong juvenile diabetes dahil karaniwang nakikita ito sa mga bata. Ang lifestyle factor ay walang kinalaman sa pagkakaroon ng ganitong diabetes kundi genetic at environmental components.

Ang type 2 diabetes ay ang pinaka karaniwang klase ng diabetes. Kapag mayroon kang type 2 diabetes, ibig sabihin nito ay ang katawan mo ay hindi magamit ang insulin ng tama. Ang kondisyon na ito ay tinatawag din na insulin resistance. Pinaniniwalaan na ang genetics, di pag ehersisyo at pagiging overweight ay mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng type 2 diabetes.

At ang pangatlo ay ang gestational diabetes na lumalabas tuwing nagbubuntis ang isang babae.

Pharmacist Checking Customer's Blood Sugar Levels
A pharmacist checking a customers blood sugar levels with an insulin pen. Source: Digital Vision

Sinu-sino ang maaring magka-develop ng diabetes

Ayon kay Ms Zapanta, maaring magkaroon ng diabetes ang mga obese, may impaired glucose tolerance o prediabetes, lalo na kapag hindi nag ehersisyo o hindi sumusunod sa low carb diet, mga Asian ethnic groups, nagkaroon ng gestational diabetes, may sedentary lifestyle at positive family history ng diabetes.

 

Pamamahala ng diabetes

Pangunahing paggamot sa diabetes ay ang mapanatili ang blood sugar level sa normal na range. Ito ay paniguradong makakaiwas o mapapabagal ang komplikasyon para mabuhay ng mas malusog.

Ang pag ehersisyo, pagkain ng tamang pagkain at pagbawas ng pagkain ng carbohydrates ay importante sa paggamot ng diabetes. 

Ang pagkakaroon ng active lifestyle ay maganda ang epekto sa pagbawas ng insulin resistance. Kahit 30 minuto ng pag ehersisyo araw-araw ay nakakatulong. 

Higit sa lahat, bumisita sa doktor para ma-monitor at maggamot ang diabetes.




Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga Pinoy, mas madaling kapitan ng diabetes | SBS Filipino