Highlights
- Ang batas ay sisimulang ipapalakad sa taong 2021
- Ang nasabing patakaran ay sulong sa pag-aalaga ng kapaligiran at pagpapahalaga sa kalikasan
- Ang South Australia ay unang estado na nagpasimuno ng deposito para sa mga lalagyan at mag-bawal ng gamit ng mga bag na gawa sa marupok na plastic
Ayon sa ulat ni Norma Hennessy, hindi naman nahirapan ang mga Pilipino na sumunod sa bagong panukala dahil ugali na rin ng ilang Pilipino sa estado ang paggamit ng mga eco-friendly na produkto kung kaya't suportado ng mga karamihan ang pagpapatupad nito.
Sa ilalim ng batas, ipagbabawal na ang pagbenta, pag-suplay at distribusyon ng mga produktong single-use plastic gaya ng straw, cutlery (kutsara, tinidor) at stirrer.



