Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Natagpuan ang kalakasan ng negosyo sa tunay na buhay na pagsasama

Atengco Family

Source: supplied by Rob Atengco

Ang Treats by Nica ay isang negosyo ng mga gawang-bahay na mga keyk at pastelerya, na inihurno ng may 'pagmamahal.' Itinatag noong 2012, ang mag-asawang si Rob at Nica Atengco, ay natagpuan ang kalakasan ng kanilang negosyo sa perpektong kombinasyon ng kanilang pagsasama. Larawan: Si Rob at Nica Atengco kasama ang kanilang mga anak (Isinuplay)


Si Nica ay mahilig sa paghuhurno habang si Rob naman ang humahawak sa mga pampublikong ugnayan; pinagsasama ng mag-asawa ang kanilang naiibang galing upang patakbuhin ang kanilang negosyo.

Ibinahagi rin ni Rob na hindi naging madali sa umpisa ang lahat ngunit dahil sa kanilang pagsisikap sa 'direct marketing' at 'social media,' ang 'Treats by Nica' ay nahanap ang lugar nito sa Pilipino at Australyanong merkado.

Alamin kung paano nila kinokonsepto ang disenyo, hinuhurno ang keyk at ganoon na rin ang distribusyon ng kanilang produkto, sa panayam na ito.

 

 


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now