Labing dalawang taon gulang lamang si Nick Kaldas, noong lumipat ang kanyang pamilya sa Australia, mula sa Ehypto. Larawan: Nick Kaldas (AAP/Nikki Short)
Noong bagong dating ang mga Kaldas, walang kilala ang pamilya, kaya lumipat sila sa Kanlurang Sydney, kung saan buhay na buhay ang multi-kulturalismo.
Limampung taon na ang nakalipas, at si Nick Kaldas ang kasalukuyang Deputadong Komisyer ng Pulis sa New South Wales.
Sinabi ni Kaldas na hindi na pambihira ang pagkaiba-iba ng kultura sa mga magkakapit-bahay, sapagkat binubuo nito ang pagkakakilanlan ng Australia ngayon.
Sa First Day, isa sa pinaka-huling serye ng SBS, sinusundan namin ang mga migrante at refugee na nagdala ng pagbabago sa ating mga komunidad, mula sa unang araw.




