Isinilang at lumaki sa Pampanga sa Pilipinas, lumipat si Diyakono Don Mauro Gomez mula Darwin patungong Canberra noong 2018 kasama ang kanyang asawang si Cerisse at ang kanilang mga anak na babae na sina Dominiq at Denisse upang ipagpatuloy ang kanyang tawag sa permanenteng diyakonato.
Key Points
- Sa Simbahang Katolika, ang mga permanent deacon o permanenteng diyakono ay mga ordenadong ministro—na kadalasang mga may-asawa—na tinawag sa isang bokasyon ng paglilingkod, na tumutulong sa mga pari at obispo sa mga tungkuling liturhiko, sakramental, at pastoral.
- Ngayong bagong ordenado na sa Arkidiyosesis ng Canberra at Goulburn, sinabi ni Diyakono Don na ang kanyang ministeryo ay nakatuon sa paglilingkod sa iba, lalo na sa mga komunidad ng migrante, at sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng ebanghelisasyon.
- Naniniwala siya na ang bawat tao ay may bokasyon, at ang pagtuklas dito ay nangangailangan ng panalangin, pananampalataya, pagkilatis (discernment), at suporta ng isang matatag na komunidad ng pananampalataya.

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.
Share





