Sinimulan na ang pitong araw na lockdown sa ilang regional areas sa New South Wales matapos magpositibo ang isang delivery driver na galing Sydney at nakahawa pa ng ibang tao.
Highlights
- NSW nakapagtala ng 124 na bagong kaso
- Victoria nagtala ng 26 na bagong kaso
- South Australia nagtala ng 6 na bagong kaso
Sumailalim naman sa pitong araw na lockdown ang Orange, isang regional town sa NSW matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang delivery driver.
Nagsimula ang lockdown sa Orange, Blayney at Cabonne noong Martes, 20 ng Hulyo.
Ayon kay Deputy John Barilaro, nararapat lamang ang mga paghihigpit dahil mas nakakahawa ang delta strain kumpara sa mga naunang variant ng Coronavirus.
Listen to SBS Filipino from 10am - 11am daily
Like and Follow us on Facebook for more stories
Share





