Para sa Pilipino-Australyanong pintor, ang mga relasyon niya sa buhay ang nagbigay inspirasyon sa kanyang sining

The Lake

"Kippax Lake", Artist: Ellen Valenton Source: CDiones

Umabot na sa dalawampu’t limang taon ang pagiging malikhain at ang kaugnayan sa sining ni Ellen Valenton na ang mga obra maestra ay mula sa inspirasyon ng mga mahahalagang relasyon sa kanyang buhay.


Ang proseso ng paglikha ng sining at ang produkto nito ay rebelasyon ng sarili – maganda man o hindi; at inilalahad nito ang kahinaan, panloob na mundo at ang kinatatayuan ng isang tao sa kanyang pangkapwa-tao (maging sa mga bagay) na relasyon.

Ipinakita ni Ellen – sa pamamagitan ng kanyang sining at kung paano niya itong gawin – ang kislap ng ilaw mula sa kanya;  ang kislap na pinapahalagahan ang mga relasyon sa kanyang buhay at nagdadala lamang ng kaligayahan sa kanyang puso.

Narito ang lima sa mga naipinta ni Ellen na naging espesyal para sa kanya sa nakaraang dalawampu’t limang taon at ang kuwento sa likod nito:

 

1. The Lake
The Lake
"Kippax Lake", Artist: Ellen Valenton Source: CDiones
Ang kanyang anak na lalake ang kumuha ng litrato ng taal. Nang ibigay niya ito sa kanya, mabilis na nagustuhan ito ni Ellen. Ang paghahalo ng kulay ng kalangitan sa sinag ng araw at kung paanong ang  napakagandang tanawing ito ay nasasalamin sa anyong tubig ay labis na kinamangha ni Ellen. Kanya itong ipininta.

Espesyal ito sa kanya dahil sinasalamin nito ang pagmamahal niya sa kalikasan. Ayon sa kanya, “I actually thank God for the beauty of the nature He gave us.”

 

2. Mummy and Baby Bear 
Mum and Baby Bear suitcase
"Mum and Baby Bear", Artist: Ellen Valenton Source: CDiones
Ang ‘Mummy at Baby Bear’ na maliit na maletang ito ay lumabas na sa naisalathalang aklat ni Ellen. Nang kanya itong ipininta, inisip niya ang kanyang sarili pati na ang kanyang anak na babae. Ang nag-iisang anak na babae ni Ellen ay nakuha sa kanya ang galing sa sining kung saan sinabi ni Ellen, “We’re both maarte (Pareho kaming maarte).”

 

3. Vivid Sydney
The Butterfly, Vivid Sydney 2014
"The Butterfly", Vivid Sydney 2014, Artist: Ellen Valenton Source: CDiones
Madaling makuha ang atensyon ni Ellen sa mga magagandang kulay na kanyang ini-uugnay sa mga masasayang bagay; “I’m that kind of person,” pagbabahagi ni Ellen. Hindi na nakapagtataka na noong natanggap niya ang larawan ng ‘Vivid Sydney’ mula sa isang miyembro ng kanilang grupo na nag-aaral ng Bibliya, ay napagdesisyunan niyang maging paksa ito ng kanyang susunod na obra maestra.

Naging espesyal ang kanyang nilikhang ito para kay Ellen: “It’s so special because I think we are actually letting people know around the world that Sydney is beautiful and it is! I’ve been to places but every time I go to the city [and] see the Harbour Bridge and the Opera House, I always say, ‘Sydney is beautiful’.”

 

4. The Wheel
The Wheel
"The Wheel", Artist: Ellen Valenton Source: CDiones
Kasama ni Ellen ang kanyang asawa pabalik sa kanilang tahanan, mula sa isa na namang paglalakbay nila sa kanayunan ng ang kanyang mata ay nakita ang isang gulong sa harapan ng malaking propyedad. Naging interesado si Ellen kaya pinakuhanan niya ito ng litrato sa kanyang asawa at ipininta ito pagkatapos.

“Hallelujah! When I painted that, I tell you, to paint the spokes [and] the perspective of that wheel is not easy. It has to be exact. It has to be round,” sinabi ni Ellen sa SBS Filipino.

Sa kanyang tingin, maaari pa niyang mapagbuti ang ‘The Wheel’ ngunit dahil sa pagiging eksakto at detalyado ng paksa na nangangahulugang mas kailangan ng eksperto at oras mula kay Ellen, sa kanyang pananaw matapos ng paghihirap na iyon ay hindi na niya makakayanang malayo sa nilikha niyang ito. Ayon sa kanya, “I won’t be able to do that again.”

 

5. The Pelicans
The Pelicans
"The Pelicans", Artist: Ellen Valenton Source: CDiones
“That’s very hard to do,” pagbabahagi ni Ellen ng kanyang tinuro ang obra na ito. Ang kanyang asawa ang kumuha ng larawang ito ng binisita nila ang ‘The Entrance’. Naging inspirado siyang gumawa ng sariling bersyon nito.

Ang ekspresyon ng Pelicans – alerto kung sakaling may pagkaing ipapamigay sa kanila – ang naging malaking hamon para kay Ellen. Kinailangan niya ring huwag isama ang ilan sa mga ibon sa kanyang nilikha dahil napakarami ng mga ito.

“I think I won’t teach that anymore. Once only. And I could not part with that,” ayon kay Ellen.

 

Pakinggan ang kabuuang panayam.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand