Ang Fremantle ay isang malaking syudad na daungan ng Australia sa Western Australia, matatagpuan sa bukana ng Swan River. Ang Fremantle Harbour ay nagsisilbing daungan ng Perth, ang kabisera ng estado. Ang Fremantle ay ang unang lugar kung saan nanirahan ang mga kolonista ng Swan River noong 1829. Ito ay dineklara bilang syudad noong1929, at may tinatantiyang populasyong 27,000 katao.
Source: Wikipedia.com



