Fun run isinagawa sa Brisbane bilang selebrasyon ng ika-75 anibersaryo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Australia

75th Anniversary of Philippine-Australia diplomatic relations

Dax Ivan, 5KM Fun Run Champion in Brisbane Source: Dax Ivan

Sa pagtakbo at mga palaro idinaan ng mga Pilipino sa Brisbane ang masayang selebrasyon ng ika-75 Philippine-Australia diplomatic relations noong Sabado.


Papasok sa trabaho, kakain tutulog, kinabukasan ganoon na ulit ang araw-araw na routine ng karamihan sa mga Pinoy dito sa australia. Pero hindi naman mawawala ang mga kasiyahan lalo na kapag nagsama sama ang mga Pinoy. Pinagsasaluhan ang mga pagkaing Pilipino, inuman at hindi mawawala ang sayawan at kantahan.

Aminado ang ilan na nawawalan na sila ng panahon para mag ehersisyo, kaya naman suki na ang iba sa mga pagamutan. High blood, tumataas ang uric acid na siya namang nagpapasakit ng mga litid at kasu-kasuan.

Fun Run sa Brisbane

Kaya naman ang pagtakbo ang isa sa naisip na paraan ng Filipino Australian Brisbane Society, isang grupo ng mga Pinoy sa Brisbane.

Ayon kay Dixie Morante, isa sa mga nagbuo ng grupo taong 2019, ang Fun Run ay isa sa mga mainam na paraan ng ehersisyo na balak nilang gawin kada tatlong buwan.

Isinabay ang fun run sa paggunita ng ika-75 anibersaryo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Australia.
75th Anniversary of Philippine-Australia diplomatic relations
Source: Euge Lyn Lap
Tinatayang nasa mahigit 100 katao ang lumahok sa limang kilometrong pagtakbo, ang maganda hindi lamang mga Pinoy ngunit maging ibat ibang lahi ay nakisaya.

"We are growing population, maraming professional, estudyante, kumbaga gusto naming maging involved sila sa community. We want them to give back to the community as well as we want to give service to the community activities for them."

Ikinuwento naman ng nanalong si Dax Ivan ang kanyang naging experience sa pagsali sa aktibidad.

"My plan is actually to stay with mum for the whole run and just finishing with her and heard yelling at the back from one of the Filipino saying run run run and she try, so I went from the back of the line and went to the front and kept running and kept running."           

Ang nalikom na pondo ay ilalaan sa iba pang darating na aktibidad at ido-donate sa People Mission, para sa homeless sa Brisbane.
Chess Tournament in Cairns
Romy Quindoza won at a Chess Tournament in celebration with the 75th Anniversary of Philippine-Australia diplomatic relations Source: FABS
Bukod sa pagpapalakas ng katawan, layon din ng grupo na makita ang ganda ng Park Run sa Brisbane, kung saan sariwa ang hangin malinis ang paligid at masilayan ang ganda sa umaga ng Brisbane River.

Chess Tournament sa Cairns

Samantala kung pag-uunat ng katawan ang pinagkaabalahan sa Brisbane at Gold Coast, patalasan naman ang isip ang pakana sa Cairns kung saan naglaban laban sa isang Chess tournament ang mga Pinoy.

Sa huli nilampaso ng 64 taong gulang na si Romy Quindoza ang mga mas bata niyang kalaban at hinirang na champion sa naturang chess tournament. Ang mga palaro ng ibat-ibang grupo ay ginawa bilang selebrasyon sa ika-75 anibersaryo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Australia.

Dahil sa pagkakaibigan ng Pilipinas at Australia, nabuksan ang mga opurtunidad para sa mga potensyal na mga investors sa dalawang bansa. Malaya din makakapasok ang mga Pinoy sa Australia ngunit kaakibat ang mga legal na papeles, bukas din para sa edukasyon, turismo at migrasyon .

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily

Follow us on Facebook for more stories

                


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand