Isang Pilipina, nananahi at namimigay ng reusable face masks sa komunidad

reusable mask, diy mask, covid-19, pandemic

Joan Mercader and the masks she makes. Source: Joan Mercader

Dahil iniisip niyang maaaring lumalala ang pandemya, maagang nagsimulang gumawa ng mga reusable face masks si Joan Mercader para sa mga nangangailangan nito.


Highlights
  • Nagsimulang gumawa si Joan Mercader ng mga face masks noong Marso.
  • Para sa ilan, mas gugustuhin nilang magsuot ng face mask kung maganda ang disenyo nito.
  • Ibinahagi ni Joan ang kanyang mga tips ukol sa pagpili at pagsuot ng face mask.
Mula 11:59 PM ng Huwebes, kinakailangan ng magsuot ng face masks ang mga taga-Victoria kapag lalabas sila ng bahay.

"This ruling makes me feel more secure and safe. The spread of the virus becomes minimal," saad ng Melburnian na si Joan Mercader.

Ang pangangailangan

Maagang naghanda si Joan Mercado para sa posibilidad na lalala ang pandemya.

"I started making reusable masks in March. I posted a template on Facebook for those who wanted to make masks for personal use and for the vulnerable ones in our community."
Reusable mask, diy mask, covid-19, pandemic
Even before the pandemic grew to the intensity it has, Joan has been making masks in anticipation of the need for them. Source: Joan Mercader
Natutong gumawa ng face mask si Joan sa kanyang kaibigan na designer. Aminado siya na hindi talaga siya marunong manahi noon.

"Once I got the hang of sewing face masks, I gave some to my loved ones, my friends and their families so that they had protection just in case things got worse."

Pagpili at pagsuot

Noong lumalala ang sitwasyon sa Victoria at inanunsyo ng pamahalaan na kinakailangan ng magsuot ng mask kapag lalalabas ng bahay, dumami ang naging interesado sa mga gawa ni Joan. Nagsimulang maningil si Joan para lamang sa ginastos niya sa mga materyales.

"The face masks I make are fashionable and cool so as to entice people to wear them - especially kids and teens."
Reusable mask, diy mask, covid-19, pandemic
"The face masks I make are fashionable and cool so as to entice people to wear them - especially kids and teens." Source: Joan Mercader
"I got feedback from some parents that their kids find them so cool that they even wear them around the house."

Habang na-eengayo ang iba sa mga disenyo ng kanyang mga masks, aminado si Joan na ang pinakamahalaga pa rin ay kung gaano ka-epektibo ang mga ito.

Ayon sa kanya, ito ang mga kailangang alalahanin pagdating sa face mask:

1. Gumamit ng ilaw upang matingnan kung gaano kakapal ang mask.
Reusable mask, diy mask, covid-19, pandemic
Use light to test for a mask's thickness. Source: Steve Johnson from Pexels
Gumamit ng ilaw upang matingnan kung gaano kakapal ang mask. Kung lumusot ang ilaw dito, masyado itong manipis.

"Don't make a mask too thick that you can't breathe either. Typically, a good mask will have three layers."

2. Dapat natatakpan ang ilong at bibig.
Mtoto avikwa barakoa
Masks should fit well and must cover both the nose and mouth. Source: August de Richelieu of Pexels
Siguradong nakakapit ng maayos ang mask sa iyong mukha at natatakpan ang iyong ilong at bibig.

3. Hugasan ang mask pagkatapos gamitin.
Reusable mask, diy mask, covid-19, pandemic
Reusable masks should be washed after each use. Source: Joan Mercader
"Surgical masks are good, but the problem is you have to change them every four hours of use. That costs money."

Ang maganda sa reusable mask ay maaari itong gamitin ng paulit-ulit. Alalahanin lamang na kailangan itong linisin pagkatapos ng bawat gamit,

"Make sure to clean the inner and outer bits thoroughly, and dry the mask before use."

4. Mahalaga ang tamang paghawak at pagsuot sa mask.
Victoria adalah negara bagian pertama di Australia yang menerapkan kewajiban memakai masker.
Masks should be handled properly. Source: Pexels
Kasing-halaga ng pagpili at paghugas ng mask, alalahanin din ang tamang paraan ng paghawak at pagsuot nito.

Maliban sa paghugas ng kamay bago magsuot ng mask, mahalaga ring huwag hawakan ang harapan nito.

"It's important not to constantly fiddle with it once it is on."

BASAHIN / PAKINGGAN DIN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand