Ang sobrang katabaan ay isa sa pinaka-malaking problema sa kalusugan, na kumakalat sa buong mundo sa kabila ng maraming pagsusuri at pag-aaral, sa dahilan at pag-gagamot nito. Larawan: Ipinapakita sa 12-taong pag-aaral na ang pangkaraniwang tiyan ng Australyano ay lumaki ng 5.3 sentimetro (AAP)
Sinabi ng Australian Institute of Health and Welfare sa nakaraang 25 taon, ang mga kaso ng diabetes sa Australya ay mahigit na dumoble na umabot sa apat na porsyento ng populasyon ng bansa.
Ito ay kumakatawan sa halos isang milyong mamamayan.
Samantalang ang Type 1 diabetes ay nanatiling matatag, ang bilang ng type 2 diabetes ay lumalaki.
Mahigit sa kalahati ng populasyon ng Australya, ay may labis na timbang o obese, na naglalagay sa kanila sa malaking panganib, na magkaroon ng diabetes.
Magiging malala ba ang lagay ng ating kalusugan, sa mga darating na panahon?




